‘Bagong Pilipinas’ concert ni Andrew E sa Dubai kanselado na at lahat ng ticket ay ire-refund

Hindi na matutuloy ang ang back-to-back concert ng rapper na si Andrew E sa United Arab Emirates na sana’y gaganapin nitong Disyembre 10-11.

Ayon sa ulat ng Global Filipino Magazine na nakabase sa UAE, hindi na tuloy ang nasabing concert dahil sa diumano’y ‘unforeseen circumstances’ at itinanggi ng mga organizer na sabihin kung ano ang eksaktong dahilan ng pag-cancel sa nasabing show.

Kahit mismong ang Coca-Cola Arena ay kinumpirma na hindi na matutuloy pa ang concert ni Andrew E na matatandaang sumikat muli sa social media matapos maging isa sa mga endorser ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

andrew e dubai

“In the event of a show cancellation, all tickets will be automatically refunded to the same card used for the transaction.” sabi ng Coca-Cola Arena.

Kindly note refunds can take up to 21 days starting from the cancellation date, so please wait before contacting your point of purchase,” dagdag pa nila.

Matatandaan na noong Oktubre orihinal na naka-schedule ang nasabing concert ngunit inatras ito nitong Disyembre dahil sa parehong dahilan na ‘unforeseen circumstances’.

Wala pang pahayag si Andrew E tungkol sa pagka-udlot ng kanyang concert.

Ilang netizens naman ang sinubukan na hulaan kung ano ang naging dahilan ng pagka-kansela ng concert ng rapper.

“Ito ung ilang beses na postponed pero ang totoo wala talagang manonood,” sabi ni Balila Sheila.

“Ay bakit? Fake kasi ang 31 million kaya no-show? Hahaha,” wika ni Katrina Masinnay.

“Where’s the 31m bakit nilangaw? Hahahaha,” sabi naman ni Louey Hermosilla.

“Pwede din pala di pumasok sabay submit ng excuse letter, dahilan.. “due to unforeseen circumstances” saad ni Morel Buendia.

andrew e dubai concert 2 andrew e concert 1

 

Facebook Comments