Nedal Hussein pinapa-deklara na walang nanalo sa kanilang laban ni Manny Pacquiao noong 2000

Masama ang loob ng retiradong professional boxer na si Nedal Hussein matapos ang pag-amin ng hall of fame referee na si Carlos Padilla na dinaya nito ang laban niya kay pambansang kamao Manny Pacquiao noong taong 2000.

Matatandaan na inamin ni Padilla sa isang panayam na tinagalan niya ang bilang kay Pacquiao noong mapatumba ito ni Hussein dahilan upang makabawi ang pambansang kamao at ma-TKO ang retiradong boksinghero.

READ: Legendary boxing referee Carlos Padilla, inamin na dinaya ang isang laban ni Manny Pacquiao para manalo ang pambansang kamao

Sa panayam kay Hussein ay sinabi naman nito na wala siyang sama ng loob kay Pacquiao ngunit hindi nito maitago ang pagkadismaya kay Padilla na harap-harapang inamin sa publiko na niluto nito ang laban na sana’y magpapa-angat sa kanyang career.

padilla 2 1

“I would’ve won because it would’ve been a knockout.” ani Hussein. “He should be held accountable. He shouldn’t be in any Hall of Fame because he’s not a credible referee. He’s a cheat,”

Naniniwala rin si Hussein na kung hindi niluto ni Padilla ang laban ay maaring iba ang naging takbo ng career ni Pacquiao ngayon.

“I can’t say Pacquiao’s career would never have been the same, but it would have been derailed, that’s for sure,” aniya.

carlos padilla 3

“Winning that fight would have changed my life. I missed out on a couple of hundred grand and a world title fight. I would have been able to buy a house and been so much better off,” sabi pa nito.

Hinimok din nito ang World Boxing Council (WBC) na tanggalin ang mga parangal ni Padilla at ideklara na walang nanalo sa kanilang laban noon ni Pacquiao.

Kung gagawin ito ng WBC ay magiging 61 na lamang ang panalo nito sa kanyang record imbis na 61.

mqdefault

Samantala ay sinabi na ni Pacquiao na wala siyang kinalaman sa naging desisyon ni Padilla na bigyan siya ng bentahe sa laban nito kay Hussein.

“Hindi man daya. Pinaburan lang tayo, pabor lang siguro syempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman yung tama,” ani Pacquiao.

“Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That’s his problem, not mine,” dagdag niya pa.

Facebook Comments