Manny Pacquiao, nagbigay ng reaksyon sa pag-amin ni retired referee Carlos Padilla: “That’s his problem, not mine”

Nagbigay ng kanyang reaksyon si eight division world champion Manny Pacquiao sa naging rebelasyon ng hall of fame referee na si Carlos Padilla.

Matatandaan na sa isang panayam ay inamin ni Padilla na binagalan niya ang bilang sa tumaob na Pacquiao noong laban nito kay Nedal Hussein noong 2000.

Imbis na sampung segundo ay ginawa niyang 18 na segundo ang bilang kay Pacquiao upang makatayo pa ito na siyang naging dahilan upang manalo ang pambansang kamao via 10 round TKO.

Nakiusap din diumano ang kampo noon ni Pacquiao na gawing pabor ang laban para sa pambansang kamao upang mabigyan ito ng pagkakataon na maging world champion.

padilla 2 1

“I am Filipino and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count.” ani Padilla.

Sa panayam isang panayam naman ay itinanggi ni Pacquiao na nandaya siya sa nasabing laban at naniniwala siya na “home advantage” lamang ang ibinigay ng Filipino referee sa kanya.

Ayon sa kanya ay problema na ni Padilla kung binigyan siya ng pagkakataon na makatayo nito.

carlos padilla 2

“Hindi man daya. Pinaburan lang tayo, pabor lang siguro syempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman yung tama,” ani Pacquiao.

“Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That’s his problem, not mine,” dagdag niya pa.

Ang nasabing laban ang nagbigay ng pagkakataon kay Pacquiao na lumaban para sa world title.

Maraming netizen ang naniniwala na kung natalo si Pacquiao sa kanyang laban noon kay Hussein ay maaring iba ang naging karera ng pambansang kamao sa boxing.

Hindi naman naiwasan ng mga boxing fans na batikusin ang ginawa ni Padilla at sinabi na bilang referee ay dapat ay naging patas.

 

Facebook Comments