Legendary boxing referee Carlos Padilla, inamin na dinaya ang isang laban ni Manny Pacquiao para manalo ang pambansang kamao

Sa unang pagkakataon ay inamin ng Hall of Fame Filipino boxing referee na si Carlos Padilla ang isa sa mga pinaka-kontrobersyal na kanyang desisyon sa kanyang career.

Ang nasabing desisyon ni Padilla ay isa sa mga naging dahilan kung bakit tinitingala ng buong mundo ngayon ang nag-iisang eight division world champion ng boxing na si Manny Pacquiao.

Sa panayam sa kanya ng World Boxing Council, inamin ni Padilla na sinadya niyang tagalan ang bilang sa tumaob na si Pacquiao noong laban nito kay Nedal Hussein noong 2000.

Imbis diumano na 10 segundo ay ginawa niyang 18 segundo ang bilang upang mabigyan pa ng pagkakataon ang pambansang kamao na makatayo at makabawi.

padilla 2

Nakatulong naman ang ginawang pandaraya ni Padilla dahil sa natalo ni Pacquiao si Hussein via TKO sa ika sampung round.

Ayon kay Padilla ay ang nasabing laban ang nagbigay ng pagkakataon kay Pacquiao na makalaban sa isang world champion.

“That fight, I’m about to go and leave the following day, and they told me, ‘Carlos, please this is an important fight for Pacquiao because the winner will have the chance to fight for the world championship,” kwento ng retiradong boxing referee.

pacquiao 2

Sinunod naman ni Padilla ang pakiusap sa kanya at binigyan ng lamang si Pacquiao sa pamamagitan ng pagtatanong dito ng ilang beses upang mabigyan ng pagkakataon ang pambansang kamao na maka-recover.

“I think (it was the fourth round), Manny got knocked down, I thought he was going to get up, but his eyes were cross-eyed,” aniya.

“I am Filipino and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. I know how to do it. When he got up, I told him, ‘Hey are you okay?’ Still prolonging the fight. ‘Are you okay?’ ‘Okay, fight!” dagdag niya pa.

Maraming netizen ang naniniwala na kung hindi ginawa ni Padilla ang kontrobersyal na desisyon ay maaring hindi narating ni Pacquiao ang kanyang pangarap noon na maging isang world champion.

Facebook Comments