Jennylyn Mercado, inulan ng batikos dahil sa pagrereklamo nito sa manok na nabili sa sikat na grocery store

Inulan ng batikos sa social media ang aktres na si Jennylyn Mercado matapos nitong ireklamo ang kanyang nabiling karne ng manok sa isang kilalang grocery store.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Jennylyn ang kanyang reklamo kung saan ay nakita nito na hindi na sariwa ang kanyang nabiling manok.

“Quick question lang bago namin lutuin, safe parin ba kahit ganito itchura ng meat niyo???” tanong ni Jennylyn sa nasabing grocery store.

jennylyn manok 2
larawan mula kay @mercadojenny/Instagram

Imbis na makakuha ng suporta ay binatikos pa ito ng ilang mga netizens at kolumnista.

“Kung magreklamo Ka Doon SA nabilhan mo Hindi SA social media,” ani netizen Willyn.

“baket mo din binile? and im sure pinili mo yan noh tas sisihin ang supermarket anu kaya yan,” saad naman ni Kris Tine.

Kasama na dito sina Cristy Fermin at Lolit Solis na sinabing sana’y hindi nalang isinapubliko ang aktres ang kanyang reklamo sa grocery store.

Ayon kasi sa kanila ay dapat bilang isang mamimili ay tinitignan din ni Jennylyn ang karne na kanyang binibili bago niya ito bayaran.

“Bumili ka o nagpabili ka o nag-order ka ng karneng hilado, mangitim-ngitim na siguro, maberde-berde o kung anumang kulay yan, kahit rainbow color pa. Tapos nung iluluto mo na, bigla ka nag-post, safe pa raw bang kainin at iluto yun?” tanong ni Fermin.

“Ano ba naman yun tumawag ka sa opisina nung pinagbilihan mo na napakalaking pamilihan at itanong mo, ‘Bakit kaya ganito itong nabili ko sa inyo na ganito ganyan?’ Kasi para sa kaligtasan niya yun, tama yun eh, tama yung i-check mo yung pinamimili mo at binabayaran mo yan. Dapat mo lang na tanungin yung pinagbilihan mo kung okay pa bang iluto at kainin. Tama yun. Pero para i-post mo pa sa iyong account,” dagdag pa niya.

“Dahil usually pag bumibili ka sa supermarket, tinitignan mo ang inilalagay mo sa cart. Imposible naman na duon pa lang sa supermarket hindi niya na check ang lagay ng karne na binili niya,” sabi naman ni Solis.

solis 1
Larawan mula kay akosilolitsolis/Instagram

Sa ngayon ay burado na ang nasabing post ni Jennylyn.

Facebook Comments