AJ Raval, hinamon na magpakita ng live para patunayan na hindi ito nanganak: “Ginawa mo, panindigan mo”

Nanindigan ang kolumnista na si Cristy Fermin na mayroong katotohanan ang diumano’y panganganak ng aktres na si AJ Raval.

Sa kanyang programa, ibinahagi ni Cristy na tama ang ibinunyag ng talent manager na si Ogie Diaz kung saan ay sinabi nito na nanganak na nitong Nobyembre 18 o 19 si AJ na sinamahan pa diumano ng rumored boyfriend nito na si Aljur Abrenica.

Ayon pa kay Ogie ay makikita si AJ na pilit itinatago ang kanyang pagkakakilanlan upang hindi siya masundan ng mga showbiz reporter.

aj raval 2

Muli itong sinubukan itanggi ni AJ kung saan ay nagbahagi ito ng mga latest photos niya sa kanyang social media pages.

Pero ayon kay Cristy ay totoo na nanganak si AJ at nasa aktres na ang desisyon kung aamin ito o hindi.

Ayon sa kolumnista ay marami ng proyekto ng aktres ang naantali dahil sa kondisyon nito.

aj raval aljur 4

“Ibinibigay po namin ang pagkakataon kay AJ Raval at sa kanyang kampo na katwiranan, magbigay ng dahilan. Kung gusto po nilang i-deny ito, kanila po ang desisyon. Kung gusto niyang aminin at harapin ang katotohanan, maraming salamat. Pero hindi po natin siya pipilitin na umamin kung labag yun sa kanyang kalooban.” sabi ni Cristy.

Napansin din ng co-host ni Cristy na si Rommel Chika ang matinding paglilinis ni AJ sa kanyang tahanan na para umano sa ‘baby’ nito.

Ilang fans din ang may kutob na luma na ang mga larawan na ibinabahagi ni AJ sa social media.

Kaya naman hinamon na ng kolumnista ang aktres na magpakita sa live television o sa social media kung gusto talaga nitong tapusin ang mga balita tungkol sa kanya.

“Kung totoo ka na hindi ka nanganak ay napakadali lang naman na solusyunan, magpakita ka. Pero tatandaan mo ang mga bagong luwal na babae ay may kunting umbok pa ‘yan,” aniya.

Facebook Comments