RR Enriquez, may paalala kay Pambansang Kolokoy: “Don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing”

Hindi ikinatuwa ng ‘Sawsawera Queen’ na si RR Enriquez ang tila paggamit ng influencer na si Pambansang Kolokoy o Joel Mondina sa kanyang baby upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga bumabatikos sa kanya.

Ibinahagi ni Joel sa social media ang larawan ng kanyang bunsong anak mula sa diumano’y kanyang ibang nakarelasyon maliban sa kanyang legal na asawa na si Marites.

READ: Pambansang Kolokoy at asawa niyang si Marites, hiwalay na: “I’m with someone else now and we’re happy”

“Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa,” sabi ng influencer.

pambansang kolokoy 1
Larawan mula kay Pambansang Kolokoy/FB

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media si Mondina matapos nitong i-anunsyo ang pakikipaghiwalay niya kay Marites na kanyang nakasama simula ng mag-umpisa ito na maging internet celebrity.

Ayon din kay Joel ay mayroon na siyang ibang kinakasama na ikinadismaya lalo ng mga netizens.

Pinaalala naman ni RR kay Joel na habang hindi naman masama na ipagmalaki nito ang kanyang bunsong anak sa ibang babae ay hindi dapat ito gamitin ng influencer para lamang itama ang kanyang pagkakamali.

“Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE,” aniya.

Ilang netizens naman ang pumabor kay RR at sinabi na mali talaga ang ginawa ng influencer sa kanyang asawa.

“My God, hindi porket nagka anak at pinanagutan mo excuse na siya sa ginawa niya during marriage with marites.. Masakit yan sa part nung asawa.” sabi ni netizen Miller Ashley.

“May mga tao talaga na kahit mali idadamay pa yong salitang diyos para lang masabi na tama sila o kaya hindi nagsisinungaling.. sasabihin pa nong iba ALAM NG DIYOS YAN. Haha wag ganon! gasgas na gasgas na eh,” saad naman ni Dela Jean.

 

Facebook Comments