Bryan Boy, may prangkang mensahe sa mga namamalimos ng pang-gatas at diaper: “Wag na kayong gumawa ng bata!”

Nagbigay ng isang prangkang mensahe ang fashion blogger na si Bryan Boy sa mga ginagamit ang social media upang mamalimos ng pang-gatas at diaper ng kanilang mga anak.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Bryan ang mensahe sa kanya ng isang netizen na humihingi ng tulong sa kanya upang makabili ng kinakailangan ng kanyang baby.

Ngunit imbis na tulungan ay pinagsabihan pa ng blogger ang pobreng netizen.

images 42
Larawan mula kay Bryan Boy/FB

Ayon sa kanya ay mas mainam na huwag ng mag-anak pa ang mga tao na hindi pa naman talaga kayang harapin ang responsibilidad ng isang magulang.

“Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan,” ani Bryan.

“Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na yang bata na ‘yan?” pagpapatuloy ni Bryan Boy habang ipinuntong kailangan na matugunan ang pag-aaral, pagkain, bukod sa iba pa, ng bata sa hinaharap.

“’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.” dagdag pa niya.

bryanboy 1 scaled
Larawan mula kay Bryan Boy/FB

Inulan naman ng papuri ang blogger sa kanyang prangkang mensahe sa mga nanlilimos online.

“Tama,nagpapakasarap sila nung ginawa nila,ngaun mandamay pa sila,kapal,” sabi ni netizen Erwin.

“Tama. If hindi stable ang status in life, ‘wag mag-anak. Kawawa. Although we have different stories and we don’t know kung paano siya/sila nagka-anak, nakakalungkot pa rin kasi may mga humihingi ng pang-gatas or pagkain ng anak nila sa ibang tao.” wika ni netizen Jasper.

Ngunit may ilan din na ioinagtanggol ang mga nanghihingi ng tulong online.

“Pano nyo yan ipapaliwanag sa isang taong walang wala sa buhay at walang kakayahang mag isip gaya ng pag iisip nyo?
Ang pumapasok lng sa pag iisip nila, they need to survive at kailangan nila tulong. Tpos huhusgahan nyo pa sila eh gaga nga sila. Para kang degree holder na nkikipagtalo sa di man lng naka apak na grde 1. Ikaw na nakakaunawa tumulong ka na lng, kasi khit ganyan sila, sila ang instruments na ginagamit ng Dios para ka makagawa ng mabuti sa kpwa, binigyan ka ng opportunity tumulong yan ang dapat mkita mo!” saad ni netizen Sajan.

Ilang eksperto naman ang pinag-iingat ang mga netizens sa pagbibigay ng limos sa social media dahil ang ilan dito ay maaring mga mangagantso lamang na gumagamit ng larawan ng ibang tao.

Facebook Comments