VP Sara Duterte, tila nagambala sa mikropono ng ABS-CBN na nakatutok sa kanya

Pinanood ng libo libong netizens sa social media ang isang video kung saan makikita si Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte na nagbibigay ng pahayag sa mga miyembro ng media.

Sa nasabing video ay makikita na tila nagagambala si Duterte sa posisyon ng mikropono na pagmamay-ari ng ABS-CBN na pilit inililalapit sa kanya.

Mismong ang bise presidente na ang gumawa ng paraan at inusod ng pababa ang nasabing mikropono saka itinuloy ang kanyang pagbibigay ng pahayag tungkol sa kanyang mga balak sa DepEd.

Nanakuha naman ito ng iba’t ibang reaksyon at 15,000 views sa mga netizens.

“Wala ka na nga prankisa, sapaw ka pa,” sabi ng netizen na nag-upload ng video.

Matatandaan na binatikos noon ni Duterte ang ABS-CBN dahil sa kanilang naging headline tungkol sa balita nila na ‘Sara Duterte defends father’s Davao trip: President is frontliner’.

“Alam niyo Abs-Cbn kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo. Apart from this sassy answer, I gave a mouthful of numbers as legal basis, aba kahit isa wala man lang kayo sinulat. Ansabe ko IATF Omnibus Guide dated 15 May 2020 Sec. 7 (2) 2 at Notam DIA exemption to restricted travel 2) Government flights,” ani Duterte.

Nangako naman nito noon na hindi siya makikialam sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN na hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin.

Facebook Comments