Lalaki himas rehas matapos mabisto na nagpapanggap na pulis ng ka-blind date niya na isa ring pulis

Tila hindi makakalimutan ng isang babaeng pulis ang kanyang huling naka-date matapos niyang mabisto ang pinakatinatago nitong lihim.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni netizen Jet Aim ang kanyang naging date experience sa isang lalaki na nakasoot pa ng uniporme na pang-pulis.

Inakala naman nito na totoong pulis ang lalaki ngunit nalaman nito na nagpapanggap lamang pala ito.

jet aim 2
Larawan mula kay Jet Aim/FB

Kaya naman na pinatawag ng pulis ang kanyang mga kasamahan upang hulihin ang nasabing lalaki ng sila ay magkita na para sa kanilang memorable date.

Ayon pa sa pulis ay ‘blind date’ lamang niya ang lalaki.

“Sa lahat ng dates ko ikaw ang memorable #kiligtothebars,” sabi ng pulis sa kanyang Facebook post.

Himas rehas ang nasabing lalaki dahil sa paglabag sa Art. 177 o Usurpation of Authority or Official Function at Art 179 o illegal use of uniforms and insignia.

jet aim 1
Larawan mula kay Jet Aim/FB

 

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa memorable date ng pulis.

“Masyado din kasi assuming. kaya ayun nag panggap na pulis c guy.
kawawa naman dapat di na sya nag sout ng unfirom total date lang naman .eh . di sana ok pa . kaso medyo ma angas din eh,” sabi ni netizen Arshane Bornales.

May ilan naman na nagsabi na maaring alam na talaga ng pulis na nagpapanggap ang kanyang ka-date.

“Planado na ni maam pulis na ipakulong yang si lalake, una palang baka nagpanggap na pulis si kuya tapos ayun na provoke si maam pulis sinabayan yung trip ni kuya hanggang sa nagmeet up na set up na lahat ni maam pulis ayun huli, pero maam pulis hindi mo ba naiisip pagnakalabas nyan?? baka bumawi siya sayo at bumawi pa sa mga inosenteng babae pero this time mas gagalingan niya na, nakakaawa lang sa mga babaeng mameet niya someday,” sabi pa ng isang netizen.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong shares sa social media ang nasabing post.

Facebook Comments