Babae na bibili ng iPhone ng cash, nag-reklamo dahil hindi pinapansin sa shop dahil diumano sa pananamit niya

Hindi maitago ng isang customer ang pagkadismaya sa isang tindahan na nagtitinda ng iPhone dahil diumano’y ‘diskriminasyon’ na kanilang natanggap dahil sa kanyang pananamit.

Sa isang Facebook post, makikita ang nasabing babae na hawak hawak ang pera na ipambibili niya sana ng bagong iPhone ngunit tila nadismaya ito dahil sa hindi siya pinapansin ng mga staff ng nasabing shop.

eksena 4

Dahil dito ay hindi napigilan ng mga kasama ng babae na tanungin ang mga staff kung mayroon bang diskriminasyon na nangyayari dahil sa hindi nila pinapansin ang kanilang customer.

“Baka namimili kayo dapat naka signatured ‘yung damit para lang maasikaso,” sabi ng lalaki sa video.

“Dapat kung may pera at pambili i-entertain niyo,” dagdag pa nila.

Paliwanag naman ng nasabing shop ay sadyang marami lamang customer ng mga sandali na ‘yon kaya’t hindi nila agad na-asikaso ang babae.

Itinanggi rin nila na tinitingnan nila ang pananamit ng kanilang mga customer.

313347506 488261400013866 3768014854241848104 n

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa ginawang eksena ng babae.

“Daming problema ng ibang tao, nagpunta rin kami powermac SM North one time to buy iPad few months ago, maayos na maayos damit namin, cash din bibili, pero naghintay din kami ng 25-30 minutes kasi maraming tao and it’s a first come first served, patience lang sa paghintay dahil kita naman namin may inaasikaso lahat ng staff.” sabi ni netizen Miles Flores.

“May pambili ka man o wala, wait for your turn lang. Obvious naman busy sila, inagahan mo nlng sana pra ikaw nauna,” wika naman ni Clarissa Abella.

 

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang shop na inirereklamo ng nasabing customer.

Facebook Comments