Arnold Clavio, may paalala sa mga netizens: “Mahalaga ang respeto sa kapwa”

Mayroong paalala ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio sa kanyang mga followers sa social media.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa kapwa na kung mawala ay tila kaparehas narin diumano ng pagkawala ng kaluluwa.

“Mahalaga ang respeto sa kapwa. Kapag ito ay nawala, parang nawala na rin ang kaluluwa mo,” ani Clavio.

Sa ngayon ay mayroon ng daan daang reaction sa social media ang nasabing post ng mamamahayag.

arnold clavio 3

Ibinahagi ito ng mamamahayag matapos ang kanyang pagkapanalo ng kanyang programa na ‘One on One: Walang Personalanan’ bilang Best News Commentary sa ginanap na Catholic Mass Media Awards (CMMA).

“Maraming salamat sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) sa karangalang ibinigay sa One on One: Walang Personalan . Pangako , lalo pa naming iiangatan ni @connie_sison ang totoo . To God be the glory.” sabi ni Clavio.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGanšŸ˜Ž (@akosiigan)

Facebook Comments