Ales Vodisek, nakapag-desisyon ng i-divorce si Jorryme Lorono: “We are not meant to be together.”

Ibinunyag ng Slovenian national na si Ales Vodisek na nasa proseso na siya ng pakikipag-divorce sa kanyang asawa na si Jorryme Lorono-Vodisek, ilang linggo matapos silang pag-usapan ng buong bansa.

Matatandaan na nag-trending sa social media ang istorya ni Ales at Jorryme dahil sa diumano’y pagiging close ng Slovenian sa kanyang bestfriend na si Shaira Mae Boyonas.

Agad namang umuwi ng kanyang bansa si Ales matapos silang pag-usapan ng buong bansa.

Sa kanyang update, ibinahagi ni Ales na gusto niya na lamang makapag-move-on kaya’t nagdesisyon siya na tapusin na sa legal na paraan ang kanilang relasyon ni Jorryme.

ales 5
Larawan mula kay Jorryme Lorono/FB

“A lot of exciting things will come really soon,” ani Ales. “Divorce is going, separation is going and soon it will be done and I hope we all have a better life in the future,”

“My ex-wife is doing what she want to do and it’s good for her to go further with her life we don’t talk anymore because it’s no point of talking and this is the best way to do it.

“We are not meant to be together,” dagdag niya pa.

ales 4
Larawan mula kay Jorryme Lorono/FB

Sinisi niya rin si Jorryme sa kanilang hiwalayan at sinabi nito na hindi niya kasalanan na nagbago ang kanyang dating asawa.

Binatikos din ni Ales ang pagbabawal ng divorce sa Pilipinas at sinabi na walang magkarelasyon ang makakapagsabi kung magiging maayos ba ang kanilang relasyon habambuhay o hindi.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang netizens kay Ales.

ales 3

“Thank you for updating the Marites through your vlog. I am really hoping a public redemption for you and Shaira. Now that the dust has somewhat settled, more and more can see what the real story is. What happened in social media was a mere flare up of emotions, without thinking of the consequences,” sabi ni netizen My Angel’s mom.

“Forget the past, you deserve a nice person just like you. The next you came here, try go in Luzon 100 island is also Nice. Some people there is respectful, nice and hospitable, graceful people,” wika naman ni Beaverly Estrada.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Jorryme sa aksyon ng kanyang dating partner ngunit sa kanyang vlog ay sinabi nito na matagal na siyang naka-recover sa nangyari sa kanila.

Hinimok din ni Jorryme ang kanyang mga fans na sana’y huwag ng gambalain pa si Ales.

 

Facebook Comments