‘Magpakailanman’ host Mel Tiangco, ikinabigla ang pamamaalam ng ‘Maalala Mo Kaya’: “I hope its not true”

Hindi makapaniwala ang host ng ‘Magpakailanman’ na si Mel Tiangco na matapos ang ilang dekada ay magtatapos na ang karibal nilang programa na ‘Maalala Mo Kaya’ o MMK.

Sa isang panayam nitong Nobyembre 25, makikita na halata sa beteranong mamamahayag ang pagkabigla ng tanungin siya kung ano ang kanyang opinyon sa desisyon ng MMK na tapusin na ang kanilang programa matapos ang 31 na taon.

magpakailanman
Photo from GMA Network

Matatandaan na halos 20 na taon na naging makatapat ang MMK at Magpakailanman sa telebisyon kaya naman labis na ikinalungkot ni Tiangco ang nangyari.

Hindi rin naiwasan na ilang beses na nagpatagisan sa ratings ang MMK at Magpakailanman.

Ngunit sa nasabing panayam ay makikita na punong puno ng respeto ang mamamahayag sa karibal nilang programa.

mmk
Photo from ABS-CBN

“I hope it’s not true kasi walang makakapalit sa Maalala Mo Kaya,” ani Tiangco “You know, it is a class of its own, talagang hindi biro ‘yung pagka natapat ka sa Maalala Mo Kaya ay nako, magdasal ka na,” 

Nitong Nobyembre 21 inanunsyo ng MMK ang malungkot na balita na pinaniniwalaang konektado sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento dito sa ‘MMK’ — mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa,” ani Charo Santos-Concio sa kanyang liham.

“Kami po ay tagapaghatid lang ng mga kuwento. Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.” dagdag pa niya.

Facebook Comments