Kakampink Chef, sinubukan kung kaya nga bang mabuhay ng isang Pilipino sa budget na 500 kada linggo

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay tuloy tuloy ang diskarte ng mga Pilipino para mapagkasya ang kanilang budget sa pang-araw araw.

Isang netizen ang ibinahagi sa social media ang kanyang abilidad na pagkasyahin ang limang daang piso para sa kanyang kakainin sa loob ng isang linggo.

“500 php sapat na sa 1 week na gastos bilang buhay single.. hehe.. #nasapagbudgetlang yan #wokeslangangnagrereklamo,” sabi ng nasabing netizen.

chef guison 2
Larawan mula kay Chef Gelo Guison/FB

Kaya naman isang chef ang sinubukan kung totoo nga bang kayang pagkasyahin ng P500 para sa pagkain ng isang tao sa loob ng isang linggo

Sa kanyang video, ibinahagi ni Chef Gelo Guison na totoo ngang kasya ang P500 kung gagayahin ang mga pinamili ng nasabing netizen.

Ngunit ang problema ay kulang sa sustansya ang mga produkto na pinamili ng nasabing netizen.

guision 3
Larawan mula kay Chef Gelo Guison/FB

“So ang tanong ay napagkasya niya ba ‘yung 500? Napagkasya niya.” ani Guison. “Pero anong source ng protein niya, isang lata ng corned beef, isang lata ng tuna at carbs na at high in sodium na pancit canton, instant noodles?”

“Kunting minerals and vitamins coming from mixed vegetables? Masustansya ‘yon? Ang tawag doon empty calories, ibig sabihin mabubusog ka pero walang gaanong sustansya, yun ba talaga ang gusto nating kainin?” dagdag pa niya.

Pinaalala naman ng chef na walang pinipiling kulay sa politika ang nangyayaring pagtaas ng bilihin ngayon at lahat ng Pilipino ay tinatamaan nito.

Sa ngayon ay may 530,000 views na ang nasabing video ng chef.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon.

“One week??? imagine kakain ka ng nova sa hapunan HAHAHAHHAHA kakaloka yung nagsabi na 500 is good for one week. aminin man natin o hindi, hindi sapat ang 500 a week kahit pa mag jowa lang kayo na kakain. rice, condiments and mismong sangkap para sa desenteng ulam is kulang ang 200. masyado na kas silang nabulag ng pride nila nung eleksyon,” sabi ni Hanny Cabrera.

“Hay naku, chef ka pa naman tapos ayaw magbudget at iaasa sa gobyerno? Lahat ng bansa nakakaranas ng inflation. Nga pla, iba nga pla binoto mo kaya ganyan ang approach mo.” wika naman ni Yssa Oganon.

 

Facebook Comments