Ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus, nadismaya sa pagkakalipat ng komedyante sa BJMP: “HUSTISYA!!!! ASAN KA?!”

Lubos ang pagkadismaya ng dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus matapos ang desisyon ng korte na tuluyan ng ilipat ang komedyante sa kustodiya ng BJMP.

Noong Nobyembre 21 ay ganap ng inilipat ang aktor sa BJMP matapos itong mamalagi ng ilang buwan sa kustodiya ng NBI.

Sa kanyang tweet naman ay hindi mapigilan ni Bianca na tanungin kung mayroon pa ba talagang hustisya sa bansa dahil sa nangyari sa kanyang dating asawa.

“HUSTISYA!!!! ASAN KA?!” sabi ng aktres.

bianca 1
larawan mula kay @biancalapus/Twitter

Inamin naman ni Bianca sa isang panayam na kahit ang anak niya kay Vhong na si Yce ay lubos na naapektuhan sa nangyayari sa kanyang ama.

“It’s been a very stressful life lately. Bilang nanay, naawa ako sa kanya [Yce]. Kasi nagbi-build up na yung galit niya, yung frustration… Nagiging hopeless siya,” ani Bianca.

“Sabi ko kay Yce, ‘Huwag mong isipin yun. Kailangan maging matatag ka. Maniwala ka na the truth will prevail and your dad will be free.’ Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya,” dagdag pa niya.

vhong bianca 1
Larawan mula kay Vhong Navarro

Ang tangi na lamang diumano nilang inaasahan ay ang bail petition na isinusulong ng kampo ni Vhong.

Umaasa sila na papanigan ng korte si Vhong at hahayaan na makapagpiyansa upang sa gayon ay makasama niya ang pamilya niya ngayong pasko.

“We are still hoping na sana ma-approve yung application for bail niya para at least makapag-bail out siya. Para kahit papaano mas komportable naman.” aniya.

Matatandaan na isa si Bianca sa mga patuloy na nagtatanggol kay Vhong sa gitna ng mga akusasyon laban dito.

“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind-hearted man. Otherwise, it won’t be easy for me to become friends and co-parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.” ani Lapus.

Facebook Comments