Estudyante, isang buwan ng nasa ospital dahil sa pamamato ng scotch tape ng kanyang guro

Isang buwan ng nasa ospital ang isang estudyante matapos itong magtamo ng pinsala sa kanyang ulo dahil sa ginawang pamamato sa kanya ng kanyang guro.

Ang nasabing grade 12 student na nag-aaral sa Dadiangas North High School sa General Santos City ay pabalik balik na diumano sa ospital dahil sa patuloy nitong pagkahilo at pagpapakita ng mga malalang sintomas.

Nakilala ang guro na si Christina BritaƱa na hindi diumano napigilan ang sarili na batuhin ng isang rolyo ng scotch tape ang 19-anyos na estudyante dahil sa sobrang pagiging pasaway nito.

dadiangas north 01

Sa kasamaang palad ay tumama ang scotch tape sa mismong ulo ng biktima.

Makikita sa isang video na agad na nahilo ang estudyante dahil sa matigas na bagay na tumama sa kanyang ulo.

Ayon sa mga doktor ay kinakailangan na ma-operahan ang estudyante dahil sa namumuong dugo sa kanyang utak.

Nagtulong tulong naman ang ilang mga guro ng nasabing paaralan upang makapalikom ng pondo para sa pagpapagamot ng estudyante.

Sa ngayon ay umaandar na ang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) sa nangyaring pamamato ng scotch tape at maaring mawalan ng lisyensa ang guro kung mapatunayan na may ginawa nga itong masama sa gitna ng kanyang pagtuturo.

Matatandaan na mahigpit ng ipinagbabawal ang pananakit ng mga guro sa kanilang mga estudyante bilang parte ng pagdisiplina sa mga ito.

Nagpakita rin ng pag-aalala ang ilang netizens sa nasabing estudyante at umaasa na bubuti na ang kalagayan nito.

Ngunit mayroon din naman na sinisi ang estudyante sa nangyari at kung hindi naman daw ito naging pasaway ay walang mangyayaring masama sa kanya.

 

Facebook Comments