Ogie Diaz, papadalhan ng abogado ng ulo ng isda matapos itong magreklamo sa presyo ng sardinas

Hindi napigilan ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz na umaray sa presyo ngayon ng de-latang sardinas na itinuturing na pagkain ng masang Pilipino.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Ogie ang kanyang reklamo dahil sa nasa P23 na diumano ang presyo ngayon ng sardinas.

“Juice ko, 23 pesos na ang sardinas ngayon. Di bale sana kung kasama na ang ulo ng isda. Sad, no?” ani Ogie.

Pumalag naman ang kilalang abogado ni Atty. Ferdinand Topacio sa banat ni Mama Ogs at sinabi na padadalhan nito ang talent manager ng ulo ng isda.

“Saan ka nakatira. Padadalhan kita ng ulo ng isda.” sabi ni Topacio.

Wala pang tugon si Ogie sa hamon ng nasabing abogado na kilala sa mga bigatin nitong kliyente.

Maliban sa sardinas ay nagreklamo din si Diaz sa tila dumadaming namamalimos ngayon sa mga kalsada at sa mga opisyal ng gobyerno na inuuna pa diumano ang sumipsip.

mama ogs 1

Matatandaan na marami ang umaaray na mamimili ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin kasama na ang mga karne at gulay.

Naniniwala ang ilan na ang mataas na inflation rate na hinaharap ngayon ng bansa ang dahilan kung bakit walang tigil ang pagtaas ng mga bilihin sa mga pamilihan.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinututukan nila kung paano mapapabagal ang inflation sa bansa lalo na’t papalapit na ang Pasko.

“Once again, we are always very conscious of the inflation rate because this reflects the cost of living of ordinary people, so that is still a great concern to us. But we have created the jobs, we have started the growth and that will pull us out of the debt situation that we are in,” ani Marcos.

Facebook Comments