Kat Alano, muling nagsalita matapos ilipat si Vhong Navarro sa BJMP: “This man destroyed peoples lives.”

Sa gitna ng pagkakalipat ni Vhong Navarro sa BJMP ay nagsalita muli si Kat Alano tungkol sa naging karanasan niya tungkol sa isang celebrity na diumano’y gumawa ng kahalayan sa kanya.

Sa kanyang mga tweet, ibinahagi ni Kat ang kanyang pagkalungkot sa mga nagtatanggol sa taong diumano’y gumawa ng kasamaan sa kanya at tila pinapalabas pa na siya ang masama.

Ayon kay Kat ay sobrang tindi ng kanyang naranasan sa loob ng 17 na taon dahil sa ginawa sa kanya ng nasabing celebrity na hindi niya diretsahan na pinapangalanan hanggang ngayon.

“How about we actually talk about how much I have suffered in 17 years.” ani Kat.

“Just because you don’t hear about it in the media DOESN’T MEAN WE HAVEN’T SUFFERED BECAUSE OF THE ACTIONS OF ONE MAN!!!!” sabi pa niya.

kat 1
Larawan mula kay @katalano/Twitter

Suspetsa pa nito ay may mga diumano’y grupo ang nasabing celebrity na ginawa upang siraan ang mga babae na biktima nito.

Sinabihan din nito ang mga fans ng nasabing celebrity na kung naghihirap siya ngayon ay dahil narin ‘yun sa sarili niyang kagagawan sa mga biktima niya.

“Sorry guys, nagalit ako. I’m tired of these moves they keep making. This man destroyed peoples lives. I don’t care if you’re b*tt hurt that your idol is a bad man. Kasalanan niya din yun.” sabi pa ni Kat.

kat alano 3
Larawan mula kay @katalano/Twitter

Matatandaan na kapag pinag-uusapan si Vhong at kung nagkakaroon ng update tungkol sa kasong isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo ay sumasabay din sa paglalabas ng pahayag si Kat.

Kaya naman ilang netizens ang may suspetsa kung sino nga bang celebrity ang pinapatamaan ni Kat sa kanyang mga tweet.

Noong 2020 ay ipinaliwanag din nito kung bakit hindi siya nagsampa ng kaso laban sa kilalang celebrity dahil narin sa diumano’y koneksyon nito sa gobyerno.

 

Facebook Comments