Ngayong malapit na ang Kapasukan ay marami ang nakapansin na dumadami muli ang mga Badjao na namamalimos sa ilang mga kalsada sa Kamaynilaan.
Kaya naman doble kayod ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang mga rescue operation upang sagipin ang mga namamalimos na ito.
Ipinagbabawal din kasi sa ilalim ng Anti- Mendicancy Law of 1978 ang pamamalimos at pagbibigay ng limos.

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi maubos ubos ang mga namamalimos na Badjao sa Kamaynilaan ay dahil narin sa malaki ang kinikita ng mga ito.
Ibinunyag ng kalihim na kumikita ng higit sa P5,000 kada araw ang mga Badjao na namamalimos o P150,000 kada buwan.
Mayrooon din umanong ilang sindikato rin umano na humahawak sa mga Badjao.
“Unfortunately, while in the process of rescuing them. We found out several things. Mayroon silang inuupahan diyan, na parang bahay sa Tondo, parang board and lodging… and we found out base sa social worker namin sa interview, kumikita sila ng parang 5,000 pesos per day,” ani Tulfo.

Ibinunyag naman ni Tulfo na kinukumbinsi nila ang mga Badjao na umuwi sa kanilang mga probinsya kapalit ng P10,000 na ayuda na magagamit nila para makapag negosyo.
“Kinausap natin noong isang araw. Ayun ang sinasabi wala kaming kabuhayan, kung may ayuda daw ba na binibigay, pinipili lang daw ng LGU,” aniya.
“So what I did was, sabi ko, bigyan na lang ng pangkabuhayan nila … kinausap na namin yung provincial welfare office doon sa Jolo, Sulu, sila na ang bahala magdistribute sa tao, kasama ang social welfare namin,” dagdag pa niya.

Kapalit umano ng ayuda ay ang kondisyon na hindi na sila babalik sa pamamalimos sa mga siyudad ngunit wala paring kasiguraduhan kung susunod ba ang mga Badjao sa nasabing kasunduan.
Samantala ay ilang netizens naman ang sinabi na ang ilang mga namamalimos na Badjao ay isinasakay pa sa mga van na posibleng senyales na may mga grupo na humahawak dito.
Ang ilang namamalimos ay naka-laminate narin ang mga sulat na ipinapakita nila sa mga tao.
Matatandaan na nag-trending din noon sa social media ang istorya ng isang Badjao na pinabaryahan ng isang netizen.
Ayon sa kwento ay sa loob lamang ng ilang oras ay nalaman niya na kumikita ng P500 ang nasabing Badjao.
“Nakabuo kami ng 500 pesos ilang oras lang un sa bawat customer ko na nilalapitan nya. Meron magbigay meron din naman hindi. Yung magugulat ka nalang mas Malaki pa kinikita nya sa 8 hrs na nagtatrabaho.” sabi ng netizen.