HomeSocial MediaNetizen nagreklamo dahil sa dumating ang order niyang parcel ng wala pa...

Netizen nagreklamo dahil sa dumating ang order niyang parcel ng wala pa siyang pera: “Sinong relate diyan”

Inulan ng batikos ang isang netizen sa social media matapos nitong ibahagi ang kanyang reklamo tungkol sa parcel na dumating sa kanyang tahanan.

Sa post ni netizen Lar Dea ay sinabi nito na dumating na ang kanyang order sa isang online shopping platform kahit na wala pa naman siyang pera.

“Yung biglang dumating parcel mo sa halagang 1,350… Tas wala ka pang pera. Cnu relate jn,” sabi ni Lar Dea.

Matatandaan na pinapayagan ng ilang online shopping platform ang ‘cash on delivery’ kung saan ay sa mismong pagdating na lamang ng delivery babayaran ng customer ang parcel.

lar dea enr ka
Larawan mula sa FB

Hindi naman ikinatuwa ng mga netizens ang post ni Lar Dea lalo na’t tila hinihimok pa nito ang mga tao na mag-order online kahit na wala pa naman silang pera.

“Bakit ka nga naman kasi magchecheckout ng cart kung wala kang pambayad? Please refrain from doing this. May iba kasi akong kakilala, kapag nanjan na ang parcel, tataguan na yung delivery man. Pati oras nila sinasayang lang. Mag-checkout ayon sa laman ng wallet.” sabi ni netizen ナミ 保奈美.

“Dapat maging responsible buyer .. Time and effort Ang binibigay naming mga seller para makarating ng maayos ang mga items .. Hindi lang ako buyer, seller din ako na naka experience na ma RTS. May mga customers talagang irresponsable .. samin pa maichacharge ang fee na Yan  Meron din mga customers na kukuha ng items tapos hindi naman nagbabayad .. Ang hirap maging mabait masyado,” wika naman ni Tine Krys.

“Hampaslupa tayo pero di tayo bogus buyer! Wag natin sayangin effort ng seller sa pagbabalot at mga materials na ginamit nila para lang makarating ng safe sa inyo ang parcel. Wag din sayangin ang pagod ng mga rider na umulan at umaraw eh nagdedeliver. Wag umorder kung walang pambayad,” saad naman ni Niknik Badidles.

comments 1
Larawan mula sa FB

Sa ngayon ay may libo libong ng likes sa Facebook ang nasabing post ng netizen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular