HomeSocial MediaKalansay ng tao, nadiskubre sa loob ng Department of Justice (DOJ) compound

Kalansay ng tao, nadiskubre sa loob ng Department of Justice (DOJ) compound

Ikinabigla ng mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) building sa Maynila ang natagpuang kalansay ng tao sa loob ng kanilang compound nitong Nobyembre 24.

Nahukay ang mga kalansay sa itinatayong Justice Center sa loob ng DOJ compound.

Agad naman na ipinatawag ang mga miyembro ng NBI upang imbestigahan ang mga nakuhang kalansay.

Sa ngayon ay inaasahan na gugulong ang imbestigasyon upang malaman ang pagkakakilanlan ng nahukay na mga buto at kung kailan ito posibleng inilibing doon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GMA News (@gmanews)

Noong 2005 ay may nahukay din na kalansay sa compound ng DOJ.

Sinabi naman ng ilang opisyal na dating base ng mga Hapon ang kinatatayuang lupa ng DOJ building noong ikalawang digmaang pandaigdig kaya naman posible na may mga mahukay na kalansay sa nasabing lugar.

Wala pang pahayag ang DOJ tungkol sa nadiskubreng kalansay sa kanilang nasasakupan.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa balita.

“Sign na yan, di pa natatayo yung justice center may injustice ng naganap sa lugar,” ani netizen @here_is_enzo.

“Bad omen,” wika naman ni pasta.monstah.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular