HomeSocial MediaJorryme Lorono, nagbigay ng public apology matapos ang kinasangkutan niyang isyu: "Mali...

Jorryme Lorono, nagbigay ng public apology matapos ang kinasangkutan niyang isyu: “Mali po ‘yung ginawa ko”

Sa unang pagkakataon ay humingi ng public apology si Jorryme Lorono o mas kilala noon bilang si Jorryme Vodisek ilang linggo matapos ang naging isyu nila ng kanyang dating partner na si Ales.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Jorryme ang kanyang public apology at sinabi na kamalian niya na isapubliko ang naging problema nila ng dati niyang asawa.

“Magpa-public apology po ako kahit alam ko na ang lahat ng sinasabi ko ang totoo pero mali parin po ‘yung ginawa ko na pinost ko sa public ‘yung issue namin,” ani Jorryme.

ales vodisek scaled

“Yes marami ang nagsasabi na ‘bat niyo pa ini-public e edukada ka nga diba, educated ka’ pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko at that moment na pinalayas ka ng husband mo, sinasabi niya sa’yo na ‘move away’ ayoko ng maalala,” dagdag pa niya.

Nilinaw niya rin na sinubukan niyang kausapin ng pribado si Ales at ang bestfriend nito na si Shaira Mae Boyonas ngunit tinanggihan sila nito.

Inamin niya rin na hindi niya makontrol ang emosyon niya noon kaya’t mahirap sundin ang payo sa kanya ng mga netizens na tulungan na lamang ang kanyang sarili.

Nagbigay naman ito ng mensahe kay Shaira.

ales vodisek blogging scaled

“To Shaira, I know na alam mo naman ‘yung totoo at hindi ko alam bakit ayaw mo akong kausapin kahit na gusto kitang makausap pero ayaw mo, gusto lang naman marinig ‘yung side mo kung bakit nga ganito tayo at kung bakit mayroon tayong mga hindi pagkakaunawaan,” aniya.

“Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako ‘yung mali pero Shai sorry kung nasaktan kita o napahiya at kung may nagawa man akong mali, sorry ito ay isang sincere na apology,” dagdag pa niya.

Hinimok niya rin ang mga netizens na huwag ng gambalain pa si Shaira dahil sa napatawad niya na rin ito.

May mensahe din ito para sa kanyang dating asawa na si Ales.

“Ales, I’m sorry for everything I did if you think I did wrong,” sabi niya.

“I know the damage has been done and I cannot undo it. I just want to apologize sincerely I hope you can forgive me,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular