HomeSocial MediaJorryme hindi na ginagamit ang apelidong 'Vodisek' at nakapag-move on na: "Akala...

Jorryme hindi na ginagamit ang apelidong ‘Vodisek’ at nakapag-move on na: “Akala ko hindi na ako makakabangon,”

Ilang buwan matapos ang mala-telenovelang istorya ni Jorryme Vodisek na sinundan ng maraming tao sa social media ay tila tanggap na nito ang mapait na kinahantungan ng relasyon nila ng Slovenian national na si Ales Vodisek.

Itinampok pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang nasabing istorya kung saan ay naging emosyonal si Jorryme na lubos na naapektuhan sa nangyari.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Jorryme na ngayon ay ginagamit na muli ang kanyang apelido na Lorono ay nakapag-move on na siya sa ginawa sa kanya ng kanyang dating asawa na matatandaang nag-viral dahil sa pagiging sobrang close nito sa bestfriend niya na si Shaira Mae Boyonas.

jorryme 1

Si Shaira Mae ay ex-girlfriend ni Ales na naging bestfriend nito kaya’t hindi maiwasan noon ni Jorryme na magselos.

Makikita na tila mas maayos na ngayon ang kalagayan ni Jorryme at masaya na ito na nakikipag-usap sa kanyang mga followers.

Ayon sa kanya ay inakala niya na hindi na siya makakabangon matapos ang naging hiwalayan nila ni Ales.

“Akala ko hindi na ako makakabangon, akala ko hindi na ako makakapagsimula ulit pero look at me now,” ani Jorryme.

jorryme vodisek kmjs scaled
Kalagayan ni Jorryme sa gitna ng isyu nila ng kanyang dating partner.

“Tumataba na ako tapos parang feeling ko nawala na ‘yung mga wrinkles ko,” dagdag pa niya.

Inamin niya naman na pinagpilitan niya ang kanyang sarili kay Ales kahit na alam niya na hindi na pala talaga ito tapat sa kanya.

“Maraming nagtatanong sakin kung naka-move on na ako, yes oo naka-let go na ako kasi tumaba na nga ako diba,” aniya.

Sa ngayon ay abala si Jorryme sa pag-eehersisyo at pag-aalaga sa kanyang sarili.

Hinangaan naman ng mga netizens ang naging desisyon ni Jorryme na bitawan na ang Slovenian national.

“You are looking great Dzai! This is a big step for you to be okey, accepting what had happened and take the road of recovery and healing. Good job!” sabi ni netizen MA.

“Happy to see you doing well now Ma’am. Just keep healthy emotionally and physically. Tama yang ginagawa mong pag exercise. You are a beautiful person in and out. Makakakita ka pa po ng mas gwapo at mas mabait na lalaki in God’s perfect time. Just keep on praying lg po.” wika naman ni Daisy Dela Cruz.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular