HomeCelebritiesTattoo ni Jake Vargas na may pangalan ng ex niyang si Bea...

Tattoo ni Jake Vargas na may pangalan ng ex niyang si Bea Binene, pinag-usapan uli ng mga netizens

Muling naging usapan sa social media ang kontrobersyal na tattoo ng aktor na si Jake Vargas kung saan inilagay niya sa kanyang braso ang pangalan ng kanyang ex-girflriend na si Bea Binene.

Ibinahagi ng Facebook page na ‘Mga Paalala kung saan’ ang ulat ng 24 Oras noong 2014 tungkol sa ginawang desisyon ni Jake na ilagay ang pangalan ni Bea sa kanyang katawan.

Ayon sa nasabing ulat ay ikinabigla ni Bea ang naging desisyon ni Jake lalo na’t malaki ang mga letra na inilagay nito sa kanyang braso.

“Syempre natuwa,” ani Bea.

Ngunit isang taon matapos ang ginawang desisyon ni Jake ay naghiwalay din sila ni Bea.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (Pep.ph) noong 2015 ay itinanggi ni Jake na pinabura niya na ang tattoo sa kanyang braso.

55f93a952

Ganito rin ang naging pahayag ni Jake noong 2016 kung saan ay sinabi na ‘malaking gastos’ para sa kanya kung ipapabura niya ang nasabing tattoo.

“Kung ipapabura ko po naman, malaking gastos pa. Baka hindi pa maganda ang lumabas. Kaya okey lang na nandiyan pa ang name ni Bea sa braso ko,” sabi ni Jake.

Ngunit sa mga latest na larawan ni Jake ay makikita na burado na ang pangalan ni Bea sa kanyang braso.

316206415 208546941535082 8574648101314912470 n 1

Marami tuloy netizen ang nagsabi na isa si Jake sa mga halimbawa kung bakit hindi dapat pinapalagay ang pangalan ng kanilang mga karelasyon sa tattoo lalo na’t kung hindi pa naman sila kasal.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular