HomeCelebritiesSen. Robin Padilla, mungkahi na gawing legal ang pagbatak ng ipinagbabawal na...

Sen. Robin Padilla, mungkahi na gawing legal ang pagbatak ng ipinagbabawal na gamot: “Automatic i-rehab sila.”

Iminungkahi ni Senador Robin Padilla na ‘i-decriminalize’ na lamang ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa kanyang pahayag sa isang pagdinig sa senado ay sinabi ni Padilla na mas mainam na huwag na lamang ikulong ang mga gumagamit at dalhin na lamang ito sa rehab.

“Siguro, iyong i-decriminalize natin iyong drug using instead of imprisonment, automatic i-rehab sila. Kung automatic rehab, mapupuno talaga iyang mga iyan,” ani Padilla.

Mungkahi pa niya ay dapat paghiwalayin din ang pusher sa mga gumagamit lamang dahil naniniwala ang senador na biktima lamang sila.

robin p e1659364893398

“Kailangan maliwanag sa batas ng Pilipinas na hindi natin isinasama iyong pipitsugin doon sa bigatin. Kailangan po natin talaga bigyan ng emphasis dito sa batas natin sa Pilipinas kung sino iyong ating tutulungan at sino iyong ating tutuluyan,” wika niya.

Kinontra naman ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang mungkahi ni Padilla at sinabi na kung gawing legal ang paggamit ay lalo lamang mahumaling ang mga tao na maging adik.

Sinabi rin ng senador na marami ang makakalusot kung gagawin itong legal dahil sa kung gagawing legal ang paggamit ay magiging legal din ang possession ng ipinagbabawal na gamot.

“Tama nga iyong sabi ng DDB na baka iyong magiging standard ng mga tao, ‘Walang problema iyan, gamit tayo ng droga. Hindi naman tayo makukulong. Rehab lang tayo.’ Iyon iyong meat ng opinyon ninyo,” sabi ni Dela Rosa na isa sa mga namuno ng Oplan Tokhang noong siya ay PNP chief.

robin padulla kulong e1649869177848

“Napaisip rin ako, kung i-decriminalize natin iyong drug using, baka ma-decriminalize na rin natin iyong drug possession,” dagdag pa niya.

Ito rin ang sinabi ng NBI sa nasabing hearing.

“From the start, we have registered our objection because it’s going to send the wrong message to the public like we’re saying it’s okay to do drugs kasi gagamutin namin kayo,” sabi ng opisyal ng NBI na si Jonathan Galacia.

Hindi lamang si Padilla ang unang nagmungkahi nito.

Noong 2017 ay sinabi ni dating Vice President Leni Robredo na maaring pag-aralan ng Pilipinas ang ginagawa ng ilang bansa na ginawa na lamang legal ang ipinagbabawal na gamot.

Matatandaan na si Padilla ay isa sa mga tagasuporta noon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nagpasimuno ng Oplan Tokhang.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular