Konduktor ng bus, pinuri matapos gumawa ng duyan para sa umiiyak na baby ng pasahero

Inulan ng papuri sa social media ang isang konduktor ng bus matapos nitong tulungan ang isang pasahero upang mapatahan ang anak nito.

Sa kanyang post ay ibinahagi ni netizen JiazaMarie Magbanua ang larawan ng konduktor habang gumagawa ito ng duyan para sa anak ng isa nilang pasahero.

Sakay sila Magbanua ng Ceres bus na papuntang Canlaon City.

Wala kasi umanong tigil ang pag-iyak ng bata sa gitna ng biyahe kaya naman tila hindi mapigilan ng konduktor ang sarili na tiisin na lamang ito lalo na’t isa rin siyang ama.

Umabot sa libo libong reactions at shares sa social media ang mga nasabing larawan na ibinahagi ng netizen.

Inulan rin ng papuri ang nasabing konduktor dahil sa inuna nito ang kalagayan ng kanyang mga pasahero.

Nakilala ang konduktor na si Roland S. Atendan na kamakailan ay pinarangalan ng Vallacar Transit Incorporated dahil sa kanyang ginawang kawanggawa sa kanyang pasahero.

“Awarding of Bus Conductor ROLAND S. ATENDAN for his dedication and commitment to providing excellent service to our valued passengers,” sabi ng nasabing kumpanya.

Ilang netizens din ang humanga sa ginawa ni Atendan.

“Thank you very much to the conductor and the driver who got on board for coming up with the idea to take care of our baby. Sir, God bless you.” sabi ni netizen James Ballao.

“This person is family oriented. Good job conductor,” wika naman ni Juliet Jordovez.

“Your good father and good heart .. continue your good work..saludo po ako sayo sir conductor GOD BLESS PO ALWAYS S BIYAHE……” saad naman ni Glecy Valdez.

Facebook Comments