HomeNetizen's VoiceIlang Beki, ginagamit na ang tunay nilang pangalan dahil sa diumano'y bagong...

Ilang Beki, ginagamit na ang tunay nilang pangalan dahil sa diumano’y bagong batas sa Meta

Ilang mga miyembro ng LGBTQIA+ group ang pwersahan na nagpalit ng kanilang mga tunay na pangalan sa Facebook dahil diumano sa bagong ipinapatupad na batas ng social media platform.

Sa ibinahaging post ni Marbel Landiza na miyembro ng grupong Bekis of Pageantry ay makikita ang ilan sa mga profile picture ng ilan sa mga miyembro ng LGBT na sumasali sa mga beauty contest.

Isa sa mga nag-iba ng pangalan ay naging Ian Jay mula sa kanyang ginagamit na pangalan na Ahriana Nicole.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa desisyon ng social media platform.

bekis 2
Larawan mula kay Marbel Landiza/FB

“What so funny? Nakaka proud nga ee na ganyan! they are not ashamed of Their names,” sabi ni Valerie Sanchez.

“Yung iba dito makikita mo talaga ng need pa talaga ng more education about SOGIE,” ani Gege Legaspi.

Paniwala naman ng ilan ay ang pagiging aktibo ng Facebook sa pagtanggal sa mga pekeng account ang naging dahilan kung bakit marami ang ginagamit ang tunay nilang pangalan.

Isa kasi sa mga ginagamit na paraan ng Facebook para maalis ang mga pekeng account ay ang paghingi ng ID sa kanilang mga user.

Sa Pilipinas ay kinakailangan na ang birth name ang gagamitin ng isang indibidwal kahit na isa na silang transgender.

Ngunit isang netizen naman ang ipinaliwanag na maari pa namang gamitin ng mga beki ang kanilang bagong pangalan basta’t ipapaalam lamang nila na sila ay transgender.

“Sa pagkaka alam ko pwedeng Preferred name ang gamitin. I had one friend na need for verification and she provided her documentation and just stated na she is a trans and that’s her preferred name. Ang importante nag tugma ang mukha niya sa ids niya.” sabi ni netizen Jeing Chavez.

Naglabas din ng paglilinaw ang Facebook noon sa kanilang website at sinabi na maaring sabihin ng mga miyembro ng LGBT na hihingan ng ID kung bakit hindi na nila ginagamit ang birth name nila.

facebook 1

Parte ito ng kanilang polisiya para sa mga ‘special circumstance’ bilang tugon sa pambabatikos na natanggap ng Facebook mula sa ilang grupo na ayaw gamitin ang kanilang tunay na pangalan dahil narin sa sila ay transgender o mayroon silang mga ‘stalker’.

facebook 2

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga LGBT group sa Pilipinas tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular