HomeCelebrities'Hindi ko na po matiis' Arnold Clavio, pumalag sa pekeng balita na...

‘Hindi ko na po matiis’ Arnold Clavio, pumalag sa pekeng balita na kumakalat

Pumalag ang mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa mga kumakalat na pekeng balita sa social media kung saan damay pa pati ang kanyang kasamahan na si Pia Arangel.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Clavio ang maling impormasyon na kumakalat tungkol sa mga siklista.

Paulit ulit na lamang umano itong kumakalat sa social media kaya naman sa unang pagkakataon ay sinabihan niya na ang mga netizens tungkol dito.

arnold 2

“Hindi ko na po matiis. Ilang beses na rin na pabalik-balik sa akin ang post na ito. Sasabihin ko na po na ito ay malinaw na fake news.” sabi ni Clavio.

Ayon kasi sa kumakalat na larawan ay “pwede nang mag-longride’ ang mga siklista ‘basta huwag lang sila lalayo’.

Hinikayat naman ng mamamahayag na manood na lamang ng kanilang mga news program at bisitahin mismo ang kanilang social media page upang hindi ‘maligaw’ ang mga ito.

Sinabi naman ng mga followers ni Clavio na halatang ‘edited’ ang nasabing larawan lalo na’t iba ang font na ginamit ng editor nito.

Ayon sa kanila ay kung palagi silang nanonood ng 24 Oras ay malalaman nila na may mali sa nasabing larawan.

Matatandaan na dahil sa nangyari nitong mga nakaraang taon ay lalong dumami ang mga bagong siklista sa kalsada kaya naman marami ang posibleng mapaniwala ng mga maling balita na kumakalat sa social media.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular