Home International Pope Francis tinanggal si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang presidente ng Caritas Internationalis

Pope Francis tinanggal si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang presidente ng Caritas Internationalis

0

Inanunsyo ng Vatican City ang desisyon ni Pope Francis na tanggalin ang ilang leader ng Caritas Internationalis (CI) kasama na ang presidente nito na si Cardinal Luis Antonio Tagle na dating Manila Archbishop.

Sa inilabas na bulletin ng Holy See Press Office ay ipinaalam nila sa publiko na Pier Francesco Pinelli na isang Italian management consultant ang magiging temporary administrator ng CI.

Gagabayan naman ni Tagle si Pinelli bilang paghahanda sa general assembly na maglalagay sa mga bagong leader ng nasabing organisasyon.

pope francis tagle 2

Ayon sa isa pang pahayag ng Vatican ay nakita nila na mayroong mga naranasang hindi maganda ang mga nagta-trabaho sa headquarters ng Caritas na matatagupuan din sa Holy See.

Sa isang report naman ay sinabi na mayroong favoritism, mistreatment at mismanagement na naging dahilan upang umalis ang ilan sa mga staff ng Caritas.

Wala naman umano silang nakitang ebidensya na may ginawang financial mismanagement o kahalayan na nangyari sa headquarters.

Ang nangyari kay Tagle ay ikinabigla ng mga netizens lalo na’t isa ang cardinal sa mga nakikita na susunod na magiging Santo Papa.

Wala pang pahayag si Tagle tungkol sa naging desisyon ni Pope Francis.

 

Facebook Comments