HomeSocial MediaPanganganak ng isang babae, napuno ng halakhak matapos saktong dumating ang order...

Panganganak ng isang babae, napuno ng halakhak matapos saktong dumating ang order niyang parcel

Napuno ng katatawanan ang panganganak ng isang babae sa Compostela, Davao De Oro matapos eksaktong dumating ang delivery rider na dala ang kanyang parcel.

Sa post ni Noreen Anne Princess Tiempo, ibinahagi nito ang larawan ng kanyang sister-in-law na nanganganak habang nasa proseso ito ng pagtanggap ng kanyang order.

Ayon sa kwento ni Tiempo, tinawagan sila ng delivery rider tungkol sa kanilang parcel ngunit dahil wala silang lahat sa bahay ay pinapunta nila ito sa maternity clinic.

Pumayag naman ang delivery rider na pumunta sa clinic kung saan nanganganak ang receiver ng parcel.

“Ganahan kaayu ko sa J&T Delivery ba. Kugihan kaayu si Kuya. Pero nagkatawa mi tanan kay kami nabusy sa among Buntis kay nag bati sa dihang naa diay siyay Parcel way pagduha duha niapas jud sa Maternity si Kuya Delivery. Hahaha! Nice One Kuya! Hahaha pero nagkatawa jud mi hahaha kay Gipicture ran pa jud as Delivery proof nga na received ni Buntis ang Order bisag nag bati na,” aniya.

(Hanga talaga ako sa J&T delivery. Sobrang sipag ni kuya. Lahat kami nagtatawanan kasi pumayag ‘yung delivery rider na pumunta sa clinic kasi nanganganak nga ‘yung tatanggap ng parcel. Hahaha! Nice One Kuya! Lalo kaming natawa nung nag-picture pa si Kuya para i-confirm na received na ‘yung order kahit na sobrang hirap na ‘yung buntis)

Matagumpay naman na nanganak ang buntis ng batang lalaki na binigyan nila ng palayaw na JNT Parcel Baby.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 11,000 shares sa social media ang nasabing post.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular