HomeCelebritiesJay Sonza, tinawag na 'Mang Kanor' si Erwin Tulfo: "Maraming panganay."

Jay Sonza, tinawag na ‘Mang Kanor’ si Erwin Tulfo: “Maraming panganay.”

Hindi napigilan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na magbigay ng komento sa nangyaring hearing ng Commission on Appointments (CA) nitong Nobyembre 22 kung saan ay naungkat ang mga isyu na bumabalot kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo.

Sa kanyang Facebook post ay tinawag na ‘Mang Kanor’ ni Sonza si Tulfo dahil sa dami ng anak nito.

Binanggit din nito ang pagiging American Citizen diumano ng kalihim.

“Makulay pala ang mundo ni Sek Erwin. Sundalong Kano. Convicted. Matulis. Mang Kanor din. Maraming panganay. Wala ng hahanapin pa.” ani Sonza.

Sa nasabing hearing ay hindi mapigilan mapansin ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang dami ng anak ni Tulfo sa iba’t ibang babae.

Ayon sa profile ni Tulfo ay mayroong sampung anak ang kalihim sa apat na babae.

“I suppose you had a very colorful love life Secretary and there were four women or the mothers of your children. Are you still on good terms with the mothers?” tanong ng mambabatas kay Tulfo.

Sagot naman ni Tulfo ay maayos naman ang relasyon niya sa mga nanay ng kanyang mga anak.

Nagtanong muli ang mambabatas at tinanong kung hindi ba “makakasagabal sa trabaho” ni Tulfo kung may makilala muli itong babae.

Ngunit ayon kay Tulfo ay parte na lamang ng kanyang nakaraan ang pagiging matinik niya sa mga babae.

“When we’re young, we make mistakes, but I’m not ashamed to say I made mistakes and from that mistake, you have to make corrections and adjust and you have to bring it all the way until you grow old,” sabi ni Tulfo.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular