HomeCelebritiesHidilyn Diaz, hindi aatras kahit tinanggal ang weight category niya sa 2024...

Hidilyn Diaz, hindi aatras kahit tinanggal ang weight category niya sa 2024 Olympics

Itutuloy parin ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kanyang pagsalita sa 2024 Paris Summer Games kahit na tinanggal na ng International Weightlifting Federation (IWF) ang orihinal niyang weight class.

Binawasan na ng IWF ang weight classes para sa weightlifting kung saan kasama ang 53-kg event na sinalihan ni Hidilyn noong Tokyo Olympics 2020 kung saan siya nanalo ng gintong medalya.

Kaya naman sinabi ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella na maari na lamang sumali si 49kg o 59kg event si Hidilyn.

hidilyn funding

Desidido naman si Hidilyn na ituloy ang kanyang plano na bigyan ng ikalawang gintong medalya ang Pilipinas sa pagsali sa 59kg event.

Kaya naman todo ang ensayo nito ngayon kasabay ang pagpapadagdag ng kanyang muscle mass upang makapasok ito sa 59kg event.

Ayon sa ulat ng Philstar ay kasalukuyang nasa Suwanee, Georgia si Hidilyn upang maghanda para sa Weightlifting Championships sa Colombia sa darating na Disyembre.

hidilyn 2

Kasama ni Hidilyn ang kanyang asawa at strength/conditioning coach na si Julius Naranjo at nutrionist na si Jeaneth Aro.

Ayon kay Aro ay matindi ang kailangan nilang gawing preparasyon para maging matagumpay ang pagdagdag ng timbang ni Hidilyn.

“Malaki ang weight increase, that’s why we need to embark on a new level of preparations as she has to gain a significant amount of muscle mass. Ang aim is additional muscle mass plus skills, conditioning and mental training leading to that. Essentially, yung additional muscle should produce more strength. Si Hidi, pag naka-focus, kaya niya.” sabi ni Aro.

Matatandaan na nag-umpisa si Hidilyn na sumali sa 58kg weight catgory noong mga unang taon ng kanyang career ngunit hindi ito pinalad na makakuha ng medalya.

Kaya naman bumaba ito sa 53kg kung saan nanalo ito ng silver medal sa Olympics at 55kg naman noong 2020.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular