HomeCelebritiesCommission on Appointments, inantala ang nominasyon ni Erwin Tulfo dahil sa pagiging...

Commission on Appointments, inantala ang nominasyon ni Erwin Tulfo dahil sa pagiging American Citizen nito

Inantala muna ng Commission on Appointments (CA) ang pagbibigay ng nominasyon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo dahil sa citizenship issue nito.

Nitong Nobyembre 22 ay pinag-usapan ng CA ang diumano’y pagiging American Citizenship hanggang ngayon ni Tulfo.

Ayon sa batas, kinakailangan na isang Filipino citizen ang mga miyembro ng gabinete.

erwin tulfo01

Paliwanag naman ni Tulfo ay noong nakaraang taon pa niya inalis ang kanyang pagiging American citizen.

Hadlang din kay Tulfo ang naging conviction nito sa Pasay City Regional Trial Court sa kasong libel.

Kinuwestiyon ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang nasabing desisyon ng korte laban kay Tulfo at pinagpaliwanag ito kung ano ang kasong kinaharap nito.

“That case is related to my profession as a journalist… Four counts of libel that I was convicted by [the] same individual,” tugon ni Tulfo.

Nanawagan naman ng executive session si Tulfo upang mapag-usapan ang mga isyu na humaharang sa kanyang appointment.

Sinabi naman ni Tulfo na hindi siya nababahala sa mga grupo na diumano’y gustong hindi matuloy ang kanyang nominasyon bilang pinuno ng DSWD.

Handa umanong sagutin ng tapat ng kalihim ang mga itatanong sa kanya.

“There’s nothing to hide,” ani Tulfo.

Samantala ay sinabi naman ni Majority Leader LRay Villafuerte na ipagpapatuloy na lamang ang deliberation ng appointment ni Tulfo kapag kumpleto na ang mga dokyumento na kanilang hinihingi.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular