HomeCelebritiesBeteranang aktres na si Flora Gasser na ang role ay madalas kasambahay,...

Beteranang aktres na si Flora Gasser na ang role ay madalas kasambahay, pumanaw na sa edad na 89

Pumanaw na sa edad na 89 ang beteranang aktres na si Flora Gasser nitong Nobyembre 19, 2022.

Inanunsyo ng pamilya Gasser ang pagpanaw ng kanilang lola.

“Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry. Her wake will be at Room 304, St. Peter’s Chapel Commonwealth, QC. Vi”ewing will start today (Nov 20, 2022) at 3pm onwards until Nov 22, 2022.” ayon sa apo ng aktres.

 

chei eusebio 1
Larawan mula kay Chei Eusebio/FB

Ibinahagi ni netizen Chei Eusebio ang mga larawan na kuha sa lamay ni Gasser.

Madalas gumanap si Gasser sa mga pelikula at teleserye bilang kasambahay.

Lumabas ang aktres sa mga palabas na My Husband’s Lover, Praybeyt Benjamin, Ang Utol kong hoodlum, I heart Betty La Fea at Impostora.

 

 

chei eusebio 2
Larawan mula kay Chei Eusebio/FB

Nagbahagi naman ng mensahe ng pagmamahal ang mga malalapit sa aktres.

“Mommy Flora Gasser, dearly loved. You will surely be missed. Thanks for the laughters we shared. Your life truly blessed and inspired us. Deepest sympathies and prayers to Gasser Family.” sabi ng isa sa mga kakilala ni Gasser.

“Rest in God’s arm, Lola Flora. Mahal ka po namin. I knoew magkakasama na kayo ni Mommy and Lolo dyan sa taas 🕊 Thank you for being the funny and caring Lola. You will be missed. I’m sorry hindi ako naka abot magbigay ulit ng pang granola and milk mo like the last time. I will always be proud na may lola akong artista hehe.” sabi pa ng isa pang apo ni Gasser.

1979 naging parte ng showbusiness ang beteranang aktres at noong 2020 ay ginawa nito ang kanyang huling proyekto bilang bida sa isang pelikula na pinamagatang ‘Nene’.

Asawa rin ang beteranang aktres ng mamamahayag na si Harry Gasser na main anchor ng RPN.

Hindi naman inilabas ng pamilya Gasser ang dahilan ng pagpanaw ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular