HomeCelebritiesVhong Navarro, inalok diumano na hindi ikukulong kung magbabayad ito ng P5-M

Vhong Navarro, inalok diumano na hindi ikukulong kung magbabayad ito ng P5-M

Sinubukan diumanong hingian ng limang milyong piso ang komedyante na si Vhong Navarro upang hindi umano ito makulong sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ayon sa report ng Politiko, sinubukan umanong hingian ng salapi si Vhong bago ilabas ang warrant laban sa kanya ng Court of Appeals (CA).

Ngunit ayon sa source ng nasabing pahayagan ay hindi umano pumayag si Vhong dahil naniniwala ito na wala siyang ginagawang kasalanan.

abogado vhong 1 scaled

“Bakit naman ako magbayad ng pera, wala naman akong ginawang masama sa kanila?” saad ni Vhong ayon sa nasabing ulat.

Hindi naman nila pinangalanan kung sino ang humingi diumano ng pera kay Vhong.

Matatandaan na humaharap ngayon sa patong patong na reklamo ang komedyante dahil sa nangyaring insidente noong 2014 kung saan ay may ginawa umano itong masama kay Deniece.

Nabasura sa parehong taon ang nasabing kaso ngunit nabuhay muli ito matapos ang utos ng CA.

VHONG 1

Sa ngayon ay inilipat na sa kustodiya ng BJMP si Vhong kaya naman natatakot ang asawa nito na si Tanya Bautista para sa kaligtasan ng komedyante.

Nakakatanggap diumano kasi sila ng pagbabanta sa mga nasa loob ng BJMP sa Taguig na may gagawin silang masama sa komedyante.

Ngunit hindi naman pinaniwalaan ng korte ang mga mensahe na ipinadala sa kanila kaya’t natuloy ang paglipat kay Vhong.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular