HomeCelebritiesOtlum dela Cruz, kinakailangan ng magpa-dialysis: "I would like to appeal to...

Otlum dela Cruz, kinakailangan ng magpa-dialysis: “I would like to appeal to your kindness”

Kumakatok sa puso ng mga netizens ang influencer na si Otlum Peejay dela Cruz matapos lumala ang kanya umanong karamdaman na naging dahilan upang kailanganin na nitong magpa-dialysis.

Ibinahagi ng isa pang influencer na si China Roces ang panawagan ni Otlum na kasalukuyang nasa ospital.

“I would like to appear to your kindness, It’s very hurting on my part to ask something because I used to live na kaya ko naman magtrabaho para sa kakainin ko, gagamitin ko, but this is life,” ani Otlum.

otlum 6

“Hindi natin masasabi ang bukas, bigla na lamang ako nagkaganito,”¬†dagdag pa niya.

Ayon sa ulat ay mayroong leptospirosis ang influencer at naapektuhan na ang katawan nito kaya’t kailangan na niyang sumailalim sa matinding gamutan.

“Bukas pa po ang dialysis niya..pls pray for him..gusto pa niya makasama ang 2 anak nya..At sa mga gusto magbigay ng tulong sakanya pm nyo lang ako o ang kanyang bagong facebook,” sabi ni Roces sa kanyang post.

“Sobrang hirap po pag nagdadialysis na..its either mabuhay ka o mamatay ka..kasi baka di kayanin ng katawan mo ang dialysis¬†pag dialysis ibigsbhn malala na nangyyri s dugo mo which is dun lang din naman tayo pinaka nabubuhay maliban sa puso at paghinga ntin,” dagdag pa niya.

otlum2

Ibinahagi din ni China na apat na araw ng nasa ospital ang influencer.

Matatandaan na nag-viral si Otlum sa social media matapos itong manguha ng cellphone sa isang tindahan.

Ngunit imbis na batikusin ng mga netizens ay pinuri pa nila si Otlum dahil narin sa kanyang mga nakakatuwang pahayag.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular