HomeCelebritiesNadine Samonte, nagpakita ng pruweba na kamukha niya ang kanyang anak: "Lagi...

Nadine Samonte, nagpakita ng pruweba na kamukha niya ang kanyang anak: “Lagi niyong sinasabi na wala akong kamukha sa mga anak ko”

Nagbigay ng tugon ang aktres na si Nadine Samonte sa mga netizens na patuloy na sinasabi na wala siyang naging kamukha sa kanyang mga anak, kasama na dito ang bunso niya na si Harmony Sage.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Nadine na nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ilang netizens tungkol sa itsura ng kanyang mga anak.

Kaya naman nagbahagi siya ng larawan niya noong baby pa siya katabi ang picture ni Harmony.

“Sa mga nagssbi na hindi ko kamukha si Harmony ayan proof na yan.” sabi ni Nadine.

“Kasi lagi n’yo sinsbi wala akong kamukha sa mga anak ko nakakahurt ng feelings un ah.” dagdag pa niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)

Ilang fans naman ang nagpakita ng suporta kay Nadine at sinabi na isang daang porsyentong kamukha ng aktres ang kanyang anak.

“Kamukha mo lahat anak mo nadine! All are pretty and handsome like you,” sabi ni netizen @cleverrose01.

“Certified kamukha mo si harmony as in walang kokontra! Hehehe,” wika naman ni @ad_options.

“Ok lng yn , kc ung bata habang lumalaki nag iiba pa ang muka nyan ,.,meron hnd mo kamukha pag bata pa pero pag laki nag iiba pa yan nagiging kamukha ng tatay at nanay , so ok lng magbabago pa nmn yn,” saad naman ni @clidzm.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular