Matapos ang 31 na taon ay namaalam na sa telebisyon ang Asia’s longest-running drama anthology na Maalala mo Kaya o MMK.
Sa pahayag ni Charo Santos-Concio nitong Nobyembre 21, sinabi niya na matatapos na ang nasabing programa sa Disyembre.
“Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento dito sa ‘MMK’ — mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa,” ani Santos-Concio sa kanyang liham.
“Kami po ay tagapaghatid lang ng mga kuwento. Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din ang executive sa mga bumubuo ng nasabing programa.
“Gusto ko pong magbigay-pugay sa lahat ng nagpadala ng sulat, sa aming mga direktor, writers, researchers, production staff, at sa lahat ng naging bahagi ng aming programa. Sa mga artistang gumanap, maraming, maraming salamat. Sa management ng ABS-CBN, sa aming mga sponsors at higit sa lahat sa inyong mga tagapanood, kayo po ang nagsabing makahulugan sa inyo ang aming ginagawa,” wika niya.
Dahil dito ay mawawalan na ng karibal ang programa ng GMA-7 na Magpakailanman na sa ngayon ay ipinagdiriwang ang kanilang 20th anniversary.
Maraming netizens naman ang ikinalungkot