HomeCelebritiesJim Paredes, inanunsyo ang kanyang darating na concert kasama si Boboy Garovillo:...

Jim Paredes, inanunsyo ang kanyang darating na concert kasama si Boboy Garovillo: “Entrance is P1200”

Ilang linggo matapos ang pagpanaw ng isa sa mga miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier ay magsasagawa ng concert ang mga kasamahan nito na si Jim Paredes at Boboy Garovillo.

Inanunsyo ito ni Paredes sa kanyang Facebook ngayong lunes kung saan ay gaganapin ang nasabing concert sa 19 East sa Muntinlupa City.

Halo naman ang emosyon ni Paredes sa kanilang gagawing concert.

Ayon pa sa kanya ay nasa 200 ang maaring makapanood ng kanilang concert at walang advanced ticket selling na mangyayari.

“Excited and nervous to do this,” ani Paredes.

“As per venue rules, there will be no advanced ticket selling. There is only gate entrance on the day of the show. All seats are first come first serve, no reservations. Gates open at 7pm. There is food to order at the venue. Show will begin 8:30pm. Entrance is 1200. Maximum seating is 200 pax. No SRO.” dagdag pa niya.

Nitong nakaraang buwan pumanaw si Javier dahil sa kumplikasyon sa puso, kaya’t ikinalungkot ng mga netizens na wala ng pag-asa na makumpleto pa ang grupo na ilang dekadang inawitan ang mga Pilipino.

Ngunit may ilan din namang natuwa dahil siguradong masaya si JavierĀ  na tuloy parin ang show ng kanyang dating mga kasamahan.

“Surely, Sir Danny Javier will be happy watching your show. Missing the complete APO.” sabi ng isang kaibigan ni Paredes.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular