HomeCelebritiesFans, napansin na tila namayat si Vhong Navarro sa mga larawan habang...

Fans, napansin na tila namayat si Vhong Navarro sa mga larawan habang inililipat ito sa Taguig City Jail

Matapos ang mahigit dalawang buwang pamamalagi sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ay inilipat na nitong Nobyembre 21, 2022 ang komedyante na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Sa mga larawan na inilabas ng NBI, dumaan muna sa health checkup si Navarro bago ito ilipat sa kustodiya ng BJMP kung saan ay posibleng makasama ni Vhong ang iba pang preso.

Napansin naman ng mga netizens na tila pumayat ang aktor sa ilang buwan niyang pamamalagi sa loob ng NBI.

“..we pray for u sir kuyz vhong..pumayat na po Siya agad,” sabi ni netizen Chacha You.

“Grabe saw a tiktok ng paglipat kay vhong navarro sa taguig city jail, ang payat nya,” wika naman ni @kpamilya1.

“Oo nga po concern po ako kay Sir Vhong/Kuya Vhong pumayat na po siya ang bagal ng usad po ng justice system po sa Pilipinas, hustisya para kay Vhong Navarro po at prayers for Vhong Navarro po,” tugon naman n iBeatrix Arriola.

Matatandaan na hiniling ng kampo ng model na si Deniece Cornejo na ilipat sa Taguig City si Vhong dahil sa hindi naman umano tama na sa NBI ito mamalagi.

“The accused Ferdinand ‘Vhong’ Navarro will be arraigned in Taguig. Furthermore, the arrest warrant was issued in Taguig. Hence the accused should be detained in Taguig City jail.” sabi ng kampo ni Deniece.

“The camp of Cornejo has respectfully asked the court to issue an order directing the proper officer of the NBI detention center to immediately transfer the accused from the NBI detention center to Taguig City jail.” dagdag pa nila.

Pinalagan naman ito ng kampo ni Vhong at sinabi na nanganganib ang buhay ng komedyante kung ililipat ito sa lugar kung saan marami siyang makakasama sa isang selda.

Ngunit hindi pinagbigyan ng korte ang depensa ng kampo ni Vhong at sinabi na sinisigurado ng BJMP na ligtas ang kanilang mga preso.

“It must also be emphasized that the city jail is mandated to exercise great care so that the human rights of the prisoners are respected and protected,” sabi sa desisyon ng korte noong Septyembre 30.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular