HomeCelebritiesAtty. Ferdinand Topacio pinuri ang paglipat sa BJMP ni Vhong Navarro: "Ang...

Atty. Ferdinand Topacio pinuri ang paglipat sa BJMP ni Vhong Navarro: “Ang NBI po ay hindi piitan para sa mga detention prisoners.”

Ikinatuwa ng dating legal counsel ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio ang paglipat kay Vhong Navarro sa BJMP.

Sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin, sinabi ni Topacio na dapat ay noon pa inilipat sa kustodiya ng BJMP dahil ang National Bureau of Investigation (NBI) detention center ay para lamang sa mga pansamantalang nahuhuli at sumusuko na mga suspek.

“Napapanahon na talaga yan sapagkat dapat iyan noon pa nailipat. Sapagkat ayon nga sa ating reglamyentos sa criminal procedure, ang isang taong nasasakdal at naglilitis ng kasong kriminal, ay dapat nakapiit dun sa lugar na pinakamalapit dun sa hukuman kung saan dinidinig ang kanyang kaso, kung saan may hurisdiksiyon yung hukuman na naglilitis sa kayang kaso,” sabi ni Topacio.

vhong showtime

“At iyan po ay sitwasyon naman talaga ni Ginoong Navarro. Ang NBI po ay hindi piitan para sa mga detention prisoners. Ang detention facility po ng NBI ay pansamantala lamang sa mga taong nahuhuli in flagrante delicto o mga sumusuko katulad ni Ginoong Navarro, pansamantalang pwedeng ipiit doon,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Topacio na ang mga posible lamang magtagal sa kustodiya ng NBI ay ‘yung mga nasa ilalim ng witness protection.

Nabigyan rin naman ng pagkakataon si Vhong ng korte na ipaliwanag kung bakit hindi siya kailangan ilipat sa kustodiya ng BJMP.

vhong 2

Matatandaan na nitong Septyembre ay hindi napatunayan ni Vhong na nanganganib ang buhay niya kung ilalagay siya sa Taguig City Jail.

“While accused would want this Court to believe his legitimate fears for his life and security, he, however, fell short of substantiating the same.” sabi ng korte.

“The SMS message allegedly received by the accused’s wife could not be given credence. First, the motion did not attach proof of the SMS message; and second, the said message, on its own, could be interpreted in so many different ways, not necessarily as a threat to the life and security of the accused. Moreover, the rest of the allegations in the instant motion, are utterly wanting in factual basis.” dagdag pa nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular