HomeCelebritiesAktor na si Audie Gemora, humingi ng paumanhin matapos tawagin na 'convicted'...

Aktor na si Audie Gemora, humingi ng paumanhin matapos tawagin na ‘convicted’ si Rep. Gloria Macapagal-Arroyo

Humingi ng paumanhin ang aktor na si Audie Gemoramatapos nitong gamitin ang larawan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang post para kay dating senador Leila de Lima.

Sa kanyang post, makikita ang pagkukumpara ni Gemora sa nangyaring hustisya para kay De Lima na hanggang ngayon ay nakapiit sa PNP Custodial Center habang ang ilang makapangyarihang politiko ay malaya na.

Makikita rin sa post na may nakalagay na ‘convicted’ sa ilalim ng mga nasabing larawan nila Ex-GMA, dating pangulong Joseph Ejercito Estrada, dating First Lady Imelda Marcos at dating senate president Juan Ponce Enrile.

Fe09XxCUYAAlOUd 1

Hindi naman ikinatuwa ng abogado ni Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio ang naging post ni Gemora laban sa kanyang kliyente.

“Hi, @Gemora Audie! How are you. For saying that my client, former President and now Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo is “convicted” when she is not, cyberlibel charges will be filed against you.” ani Atty. Topacio.

310989250 480223887483356 521324399879803229 n

Agad naman naglabas ng kanyang paghingi ng paumanhin si Gemora at sinabi na hindi niya alam na hindi pala convicted ang mambabatas.

“Recently, I posted an accompanying meme on my Twitter account that stated that former President Gloria Macapaga-Arroyo (FPGMA) had been convicted of a crime.” aniya.

“I had since been made aware that FPGMA had NEVER been convicted of any crime in any court in the Philippines or elsewhere and that in fact there are no pending cases against her at this time. I am sorry for any hurt that I may have caused FPGMA and I assure her that the same was not deliberate,” dagdag pa niya.

audie 2

Tinanggap naman ni Rep. Arroyo ang paghingi ng paumanhin ni Gemora kaya’t wala ng demandahan na magaganap.

“I just had a talk with my client. Mr. Audie Gemora’s public apology has been graciously accepted. That should be the end of it. We thank all those who came out in support of the former President and in favor of the truth. May God bless us all.” sabi ng kilalang abogado.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nag-trending din ang isa pang aktor na si Enchong Dee matapos itong kasuhan ng isang kongresista at pagbayarin ng P1-B dahil sa naging tweet nito.

READ: Enchong Dee idinemanda, pinagbabayad ng isang bilyong piso ng mambabatas na binatikos niya noon dahil sa kasal nito.

Hanggang sa ngayon ay tuloy parin ang kaso laban kay Dee.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular