HomeCelebritiesYasmien Kurdi, pinuri dahil nag-tyaga itong pumila para makabili ng ticket para...

Yasmien Kurdi, pinuri dahil nag-tyaga itong pumila para makabili ng ticket para sa concert ng BLACKPINK

Hinangaan ng mga netizens ang aktres na si Yasmien Kurdi matapos nitong hindi magpa-VIP sa pagbili ng ticket para sa darating na concert ng Korean pop group na BLACKPINK.

Sa kayang tweet, ibinahagi ni Yasmien ang kanyang pagpila kasama ang ilan pang fans ng nasabing grupo na kung tawagin na ‘blinks’ .

Matatandaan na daan daang libong Pilipino ang gustong mapanood ang two-day concert ng nasabing grupo kaya naman tyagaan talaga sa pila kahit ang mga celebrities katulad ni Yasmien.

Ang ilan ay isang araw ang inilalaan para makabili ng nasabing ticket.

“Lapit na! Positive thoughts lang hahahah!” ani Yasmien sa kanyang post.

Samantala ay habang pinupuri sa social media si Yasmien ay may isang grupo naman ngayon ang inuulan ng batikos dahil sa paglaktaw diumano nila sa pila.

Sa isang post, ibinahagi ng isang Twitter user ang larawan ng nasabing grupo na nauna pa sa pagbili ng ticket kahit na hindi naman sila pumila.

Hinala ng mga netizen ay malakas ang koneksyon ng nasabing grupo kaya’t nakalaktaw ito sa pila.

Ikinumpara naman ng mga netizens kay Yasmien ang nasabing grupo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing mall kung paano nakalaktaw sa pila ang nasabing grupo na hanggang ngayon ay inuulan ng batikos mula sa mga Blinks.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular