HomeInternational'Tinder Swindler' Shimon Hayut mayroon nanaman umanong biktima na napanood na ang...

‘Tinder Swindler’ Shimon Hayut mayroon nanaman umanong biktima na napanood na ang mismong documentary tungkol sa kanya

Nitong Pebrero ay nag-trending sa social media ang documentary ng Netflix na ‘Tinder Swindler’ na tungkol sa isang Israeli na nanloko ng ilang kababaihan na kanyang nakilala sa isang dating-app.

Ngunit ilang buwan lamang matapos makilala ang tunay na pagkatao ng Israeli na si Shimon Hayut ay mayroon nanaman itong bagong nabiktima.

Sa ulat ng isang local news channel sa Israel ay humarap sa camera ang bagong biktima ni Hayut na si Iren Tranov, 25.

tinder 3

Ang nakakabigla pa dito ay napanood na ni Tranov ang nasabing Tinder Swindler ngunit nabingwit parin siya ni Hayut.

Ayon sa kanya ay nakumbinsi siya ni Hayut na hindi totoo ang mga impormasyon na lumabas sa nasabing documentary at sinabi na sinisiraan lamang siya ng mga nasabing babae.

Matatandaan na sa nasabing documentary ay nagpanggap na isang anak ng mayaman si Hayut at ginagastusan ng malalaking salapi ang kanyang mga nagiging biktima upang makuha ang tiwala nila.

tinder 1

Ngunit ang pera palang ginagamit ni Hayut ay galing sa kanyang iba pang mga biktima na hinihingian niya ng tulong.

“He went over with me every woman who had complained about him, and each one he told me how it was lies and he was right,” sabi ni Tranov sa panayam sa kanya.

Tila bago na ang modus nito dahil sa pinalabas naman umano ni Hayut na isa siyang partner ng mga nag-i-import ng mga kotse at kinumbinsi si Tranov na magpadala ng pera sa kanya kapalit ng murang sasakyan.

Nagpadala umano ng $130,000 o 7.4-M pesos ang biktima kay Hayut ngunit ibang sasakyan ang dumating sa kanya.

tinder 2

Ang malala pa nito ay ang ibinigay sa kanyang kotse ni Hayut ay nakapangalan pala sa iba at impounded.

“The vehicle isn’t under my name, and I don’t have the money,” sabi ng biktima.

Nakiusap si Tranov kay Hayut na ibalik ang pera sa kanya ngunit ang ibinigay ng suspek ay cheke na tumalbog din kalaunan.

Nagdesisyon na magsampa ng kaso si Tranov laban kay Hayut ngunit tinatakot ngayon siya ng suspek at pinapalabas sa korte na ninkaw ng biktima ang kotse.

“He knew he was ruining my life,” sabi ng biktima.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular