HomeCelebritiesSharon Cuneta, ibinunyag na nagkaroon sila ng problema sa relasyon ni Kiko...

Sharon Cuneta, ibinunyag na nagkaroon sila ng problema sa relasyon ni Kiko Pangilinan ng ilang buwan

Ibinunyag ni Megastar Sharon Cuneta na nagkaroon sila ng problema sa relasyon ni dating Sen. Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post, ibinunyag ni Cuneta na inakala niya na ang anim na buwan nila ‘LQ’ ni Pangilinan ay magtatapos sa hiwalayan.

Noon pa lamang daw Hulyo habang nagto-tour siya para sa kanyang concert kasama si Asia’s songbird Regine Velasquez ay mayroon na silang tampuhang mag-asawa.

“Reunited after a 6-month-long L.Q., which we thought would lead to a separation,” ani Sharon.

“Akala ko single na ako uli next year. Ayan, buti bati na,” dagdag pa niya.

Ibinunyag din nito na kahit sa kanilang South Korea trip ay mayroon parin silang alitan.

“Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi,” sabi niya.

Noon pa lamang 1996 ay magkarelasyon na ang dalawa ang bunga na ito ng tatlo na supling.

Ikinatuwa naman ng mga kaibigan ni Sharon na maayos na sila ng kanyang asawa.

Hindi naman ibinunyag ng megastar kung ano ang dahilan ng kanilang tampuhan.

Kilala si Sharon sa kanyang pagiging pribado pagdating sa kanyang lovelife kaya naman marami ang nabigla sa kanyang rebelasyon.

Matatandaan na noong 2019 ay sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hiwalay na si Sharon at Kiko na agad naman na ikinadismaya ng megastar.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular