HomeSocial MediaOlympic medalist sa boxing na si Nesthy Petecio, engaged na sa kanyang...

Olympic medalist sa boxing na si Nesthy Petecio, engaged na sa kanyang girlfriend

Ibinahagi ng kauna-unahang Olympic medalist ng Pilipinas para sa sports na boxing na si Nesthy Petecio na engaged na siya ngayon sa kanyang partner na si Riza Geneblaza nitong Nobyembre 19.

Ipinakita ng fanpage ni Nesthy ang ilan sa mga larawan na kuha matapos sumagot ng ‘yes’ si Riza.

“Sorry Kung di masyado romantic yung proposal ko sayo, wala akong makunchaba gawin yung plan ko kasi dika pwede umuwi sa davao..Doon ko sana gawin yun with my family..”  ani Nesthy.

(I’m sorry if my proposal to you is not too romantic, I couldn’t ask for help because you are not allowed to go back to Davao. My original plan is to propose to you in front of my family.)

“Sorry pill kung pinaiyak, inaaway at binuburaot kita bago ko gawin mag propose sayo. Late na din ako naka videocall sa mga kapatid ko kasi umiiyak kana dahil binuburaot na kita ee…hahahahaha “ dagdag pa niya.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung kailan ikakasal ang dalawa lalo na’t ipinagbabawal parin ang pagkakasal sa dalawang pareho ang kasarian.

Matatandaan na gumawa ng kasaysayan si Nesthy nitong 2020 Summer Olympics matapos niyang bigyan ng silver medal ang Pilipinas para sa women’s featherweight event.

Ayon sa ilang ulat ay umabot sa P17-M ang nakuhang gantimpala ni Nesthy matapos niyang bigyan ng malaking karangalan ang Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular