HomeSocial MediaNetizens nag reklamo dahil sa pinapanood na rated SPG ng nasa harapaan...

Netizens nag reklamo dahil sa pinapanood na rated SPG ng nasa harapaan niyang pasahero sa UV

Ikinabigla ng isang netizen ang pinapanood ng isa sa mga kasabay niyang pasahero sa loob ng commuter van.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Trisha Martinez ang larawan ng kaharap niyang pasahero kung saan ay nanonood ito ng rated SPG na pelikula sa kanyang cellphone.

Tila hindi naman komportable ang netizen dahil sa tila hindi iniisip ng lalaki na may mga nakapaligid sa kanya habang pinapanood ito.

“Kuya nasa likod mo po ako. Sa bahay nyo nlng kayo manuod pagod po ako today,” ani Martinez.

trisha 2 1
Larawan mula kay Trisha Marie Martinez/FB

Umabot naman sa daan daang reaction sa social media ang nasabing post ng netizen.

Nakatanggap din ito ng iba’t ibang komento sa mga netizens na ang ilan ay tinawanan lamang ang nangyari.

trisha 4
Larawan mula kay Trisha Marie Martinez/FB

“Grabe si tatay. Di makatiis,” sabi ni netizen JR Magsano.

“Lakas loob naman nyan hahaha,” ani Jeric Bago.

“Walang patawad yan aba,” saad ni Maureen Custodio.

Idinaan na lamang din sa biro ni Trisha ang kanyang nasaksihan.

“Kuya pag Yan nabuhay si manoy di ka tlga makakalakad Ng maayos,” sabi ng netizen.

Kinuhanan pa ni Trisha ng video ang nasabing lalaki upang patunayan na hindi edited ang larawan na kanyang ibinahagi sa social media.

Noong 2021 ay itinanghal ang Pilipinas na numero uno pagdating sa pinakamahabang oras na inilalaan para sa panonood ng mga rated SPG na video sa internet.

“This year, the Philippines tops the list of the longest lasting countries at 11 minutes 31 seconds. Japan is the only Top 20 country with an increase in viewing time (+12 sec) making it the second longest-lasting country at 10 minutes 3 seconds,” sabi sa nasabing pag-aaral.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular