HomeCelebritiesMaxene Magalona sa gitna ng diumano'y hiwalayang Neil at Angel: "There is...

Maxene Magalona sa gitna ng diumano’y hiwalayang Neil at Angel: “There is no ex I want back”

Sa gitna ng pagkakasangkot ni Maxene Magalona sa diumano’y hiwalayan ng kanyang ex-boyfriend na si Neil Arce at Angel Locsin ay nagbahagi pa ito ng ilang ‘cryptic post’.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Maxene ang ilan sa mga quote na tungkol sa mga taong sinasadya na asarin ang kanilang kapwa.

“You gotta learn to delay your reaction when people are purposely trying to provoke you. You’re not a puppet, your mood doesn’t change based on how others want you to feel. You control you. You control if, when and how you wanna react.” ayon sa kanyang post.

Nagbahagi rin ito ng quote tungkol sa ‘ex’.

“There’s no ex I want back, no one from my past I want back and that includes friendships. Thanks for the lessons but I’m good now.” sabi pa niya.

maxene magalona 2 e1668979365242

Matatandaan na nitong nakaraan lamang ay nagbahagi rin ng quote si Maxene na nakaagaw ng atensyon ng mga netizens sa social media.

“I make mistakes but I am NOT a mistake. I completely understand that I am only human and that I will make mistakes one way or another in this lifetime. I just have to be patient with myself and rest in the knowing that I’m always trying and doing my best. That will always be enough to me because I know that I am enough.” wika niya.

Hindi naman malaman kung bakit nasangkot si Maxene sa diumano’y problema sa relasyon ni Neil at Angel.

Itinanggi narin ni Neil ang mga balita ngunit hinihintay parin ng mga netizens ang kumpirmasyon mula kay Angel mismo.

Noong 2010 nagkaroon ng relasyon si Maxene at Neil na tumagal ng mahigit isang taon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular