HomeSocial MediaJohn Amores, personal na pumunta sa sa College of Saint Benilde para...

John Amores, personal na pumunta sa sa College of Saint Benilde para humingi ng paumanhin sa nagawa niya

Personal na pumunta ang kontrobersyal na dating Jose Rizal University (JRU) player na si John Amores sa De La Salle-College of Saint Benilde upang personal na humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa.

Matatandaan na noong Nobyembre 8 ay ginimbal ni Amores ang social media ng bigla nitong sugurin ang mga miyembro ng CSB basketball team.

READ: Basketball player na si John Amores, nanugod at nanakit sa laban ng JRU laban sa Benilde

11 na araw matapos ang pangyayari ay humingi na sa wakas ng paumanhin si Amores na kinumpirma naman ng head coach ng Benilde na si Charles Tiu.

Ayon sa coach ay sila ang nag-imbita kay Amores sa isang practice game sa Benilde na tinanggap naman ng dating JRU player.

“So we spoke on Thursday and I invited him lang to practice if he wanted to apologize and he did. We’re happy that he did that, it takes a lot of humility for him to accept his mistakes and to come up in front of the whole team to just say sorry,” ani Tiu.

“It’s not easy. The parents of Jimboy Pasturan turned out to be there also so at least kahit na medyo masama pa rin loob nila, nakapag-apologize si John.” dagdag pa niya.

benilde 1
Larawan mula kay Charles Tiu

Umaasa naman ang head coach ng La Salle na hindi pa ito ang maging katapusan ng career ni Amores.

“It’s a step towards the right direction for him, he said he wants to have a fresh start. And kami naman, we told him that we will try to help him in anyway that we can,” aniya.

Hindi naman umano sigurado kung aatras na ba sina Jimboy Pasturan at Taine Davis sa isinampa nilang reklamo laban kay Amores.

“I believe so, as of now. Nice thing about John, he’s accepting naman whatever consequences. He didn’t really ask or beg sila Jimboy to throw away the case and I said, that’s really up to the families and the players.” wika niya.

Bago ang paghingi ng tawad ni Amores ay nakatanggap muna ito ng patong patong na sakit ng ulo dahil sa maliban sa sinampahan ito ng demanda ng dalawang player ng Benilde na Pasturan at Davis ay naalis pa ito sa JRU team kaya’t wala na itong student-athlete priviledge.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular